^

Metro

65-anyos na lolo, inutas habang namamasada

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lolong driver ang nasawi nang pagbabarilin ng apat na suspek habang sakay ng kanyang tricycle at namamasada sa Brgy.  Kapitolyo, Pasig City, kamakalawa.

Kinilala ni Pasig City Police chief Police Senior Supt. Orlando Yebra Jr. ang biktima na si Rodolfo Hernandez, alyas Totong, 65, tricycle driver, at residente ng MRR Street, sa Brgy. Pineda, Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Police, nabatid na sakay ng kanyang tricycle ang biktima at namamasada patungong West Capitol Drive nang sundan ito ng apat na lalaking magkakaangkas sa dalawang motorsiklo dakong alas-10:23 ng umaga.

Nakahalata ang biktima at kaagad na pinaharurot ang kanyang tricycle ngunit hinabol ito ng mga suspek at kaagad na pinagbabaril hanggang sa tuluyang makorner at tamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isinugod naman sa Rizal Medical Center ang biktima ngunit dead on arrival na ito.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang krimen upang matukoy ang motibo nito, gayundin ang pagkakakilanlan ng mga salarin, para sa kanilang agarang ikadarakip.

vuukle comment

ORLANDO YEBRA JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with