^

Krema

Krema (108)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT pawang maleta ang dala nila, Dang?” tanong ni Lex habang nakatingin sa mga lalaki na may bitbit na maleta at attaché case. Si Paulo ang nagmamando sa mga lalaki.

“Mga dokumento at pera ang laman ng mga maleta. Pang-six months na halaga ng pera ang inilabas sa banko para hindi na maabala.’’

“Ganun ba?’’

“Matalino si Paulo, Lex. Alam niya ang gagawin sa pinasok na negosyo.’’

“Nagtataka lang kasi ako dahil puwede namang hindi maglagi rito at kapag panahon ng harvesting lamang saka pumunta o kaya’y magpuwesto na lamang ng tao rito.’’

“Hindi ganun ang gusto ni Paulo. Mas gusto niya ay nakikita ang takbo ng negosyo. Marunong nga siya.’’

“Sabagay.’’

“Kaya huwag kang mag-worry, Lex.’’

“Hindi naman ako nagwo-worry ang sa akin lang ay para hindi rin mahirapan ang mga tao ni Paulo. Kasi’y talagang nakababad sila rito kahit wala namang aanihin.’’

“Okey lang yun. Marami silang gagawin. Kaya nga nilagyan ng bakod ang kubo ay para hindi maistorbo sa gagawin.’’

Napatango na lamang si Lex. Hindi pa rin maalis sa kanya ang pagdududa.

“E kailan nga pala magsisimulang mag-ani, Dang? Sasa­bihan ko na ang mga gagapas ng palay at magsusungkit ng niyog.’’

“Huwag! Hintayin natin ang utos ni Paulo.’’

“Baka kasi masobrahan ng hinog ang palay at maglag-lagan ang mga niyog.’’

“Si Paulo ang magsasabi niyon.’’

Hindi na nagsalita si Lex.

 

ISANG umaga na nag-eensasyo ng arnis si Lex ay lumapit sa kanya si Dang. Hangang-hanga sa kanya ang babae.

“Ang galing naman!’’ sabi nito.

Tumigil si Lex sa pag-eensayo. Pawisan siya.

“Parang may pinagha-handaan ka Lex. Bakit ensayo ka nang ensayo?’’

“Wala naman. Nagpapraktis lang.’’

“Ako kailan mo pagpapraktisan?’’

Napalunok si Lex.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with