^

Pang Movies

Para kay Macky Sunshine nagmamadaling makakuha ng annulment!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang haba ng naging kuwentuhan namin ni Sunshine Cruz noong isang gabi. Siguro dahil matagal na rin naman kaming hindi nagkikita. Iba iyong usapan sa magkaharap talaga kayong nagkukuwentuhan eh. Kung magkaharap kayo, natural lang mas palagay ang loob ng isa’t isa sa mga kuwento.

Natatawa na lang si Sunshine kung may bumabati sa kanya na mas maganda siya ngayon at mas nagmukhang bata.

“Kasi siguro mas relaxed lang ako ngayon. Mas wala akong stress sa buhay ko. I have to admit may panahon na pumangit talaga ako. Ako mismo napuna ko iyon, at siguro nga, na-realize ko rin naman noong bandang huli na nangyari iyon dahil sa sobrang stress ko noon. Noong makawala na ako sa stress, napuna ko nag-improve na pati ang hitsura ko at ang temperament ko,” pagsisimula ni Sunshine.

Ano ba ang pinagsisimulan ng stress niya noong araw?

Maraming bagay. Noon bombarded ako ng sinasabing hindi ka naman maganda, wala ka namang talent. To the point na may insulto pang hanggang bold star ka na lang, when in fact wala naman akong ginawang ganoon ka-bold na pelikula noon. Mga ganoong usapan eh, hanggang sa dumating ang panahon na na-absorb ko na yata iyon and started believing in all of those lies. Hanggang sa naisip ko na kailangan ko nang talikuran ang ganoong buhay, and I was able to prove na mali sila.

“Noong binago ko ang buhay ko, assignments came left and right. Ang dami kong mga endorsements ngayon. Definitely mas maganda nga ang career ko ngayon and I never expected that then. Sabi ko nga, kung kailan hindi na ako bata at saka pa gumanda ang career ko,” sabi pa ni Shine.

Nasabi rin niya na talagang ngayon ay naka-move on na siya mula sa problemadong buhay niya noong araw.

“Ngayon I always wake up feeling fine. May maganda naman akong trabaho at nakakaya kong suportahan ang aking mga anak. Wala akong iniisip na kahit na anong negative na bagay. I can say na nakaka-move on na ako. I am beginning to be inspired. Ngayon parang ang feeling ko, everything falls on the right place at wala nang dahilan para madismaya ako sa buhay ko.

“Iyong lovelife, I can say na sigurado ako na darating ang isang araw na mailalagay ko rin iyan sa ayos. Hindi naman ako nagmamadali talaga eh. Siguro nga masasabing it is coming sooner than expected. Basta ako ang gusto ko muna makakuha ng annulment para lahat legal na. Ayoko noong may itatago ako kahit na kanino. Hindi ko kasi ugali iyon.

“Ayoko noong may iniiwasan ako sa buhay ko. Kilala naman ninyo ako eh, ever since open naman ako sa lahat ng mga tao. Hindi ako nagtatago kahit na ano. Kung noong araw ganoon na ako eh, ngayon pa ba naman ako magtatago? Basta in time, darating din iyan,” makahulugang pahayag ni Sunshine.

Ang kapatid ni Ara Mina na si Macky Mathay ang boyfriend ngayon ng aktres.

Sana nga ano, mangyari na lahat ng iyan.

Aktres nagpapagamit sa boyfriend

Nakita raw ni Ismaelli Favatinni ang dalawang stars. Couple naman ang dalawang stars na iyan. Pero sa narinig daw niya ang usapan noong dalawa dahil nakaupo siya sa likod ng mga ito.

Mukhang iyong babae ang talagang in love na in love doon sa male star. Iyong mga salita naman daw noong male star, “parang wala siyang care”. Kaya ang conclusion niya, iyong babae lang talaga ang in love sa male star. Para roon sa male star, ang kanilang pagiging couple ay “part of their career” lang.

Ang sakit naman noon para doon sa girl.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with