^

Bansa

War games sa US ilayo sa West Phl Sea – Digong

RENDEZVOUs - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
War games sa US ilayo sa West Phl Sea � Digong
Ito ang nabatid kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna na rin ng maanghang na pagtrato ni Pangulong Duterte sa Estados Unidos at pakikipagmabutihan sa China at Russia.
AP/Wong Maye-E

MANILA, Philippines – Pinadidistansya o pinalalayo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang joint naval exercises o war games ng tropa ng AFP sa United States military sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea (West Philippine Sea).

Ito ang nabatid kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna na rin ng maanghang na pagtrato ni Pangulong Duterte sa Estados Unidos at pakikipagmabutihan sa China at Russia.

Una nang nagdesis­yon ang Pilipinas na bawasan ang bilang ng war games ng AFP troops sa US sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA). Kabilang dito ang Coo­peration Afloat Readiness and Training (CARAT) Exer­cise at Philippine Amphibious Landing Exercise (PHIBLEX).

Ang Amerika ay mahigit 70 taon ng kaalyado ng Pilipinas.

Sinabi ni Lorenzana na pinayuhan siya ng Pangulo na humanap ng panibagong lokasyon para sa nakatakdang war games upang hindi umano mairita at ikagalit pa ito ng China na nakakabangga ng Amerika sa isyu ng ‘freedom of international navigation’ sa West Philippine Sea na kinaroroonan ng Spratly Islands.

“We might move the naval exercises facing the South China Sea to Mindanao area to avoid annoying our neighbor, so let us be sensitive of our neighbors,” sabi ni Lorenzana .

Nilinaw naman ni Lo­ren­zana na walang kinalaman ang China sa paglilipat ng itinakdang venue at si Pangulong Duterte na mismo ang nagdesisyon ukol dito upang maiwasan ang tensyon.

Magugunita na bumisita si Duterte sa Beijing noong Oktubre at inianunsyo ang pakikipagkalas sa alyansa sa US na nakapagbigay nang $800 M military aid sa Pilipinas simula noong 2002.

Iginigiit pa ng Pangulo na nais lamang niyang iwasan ang komprontasyon sa China  at binalewala rin ang ‘militarization’ o mistulang garrison na pagtatayo ng mga istraktura ng mga Intsik sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS sa kabila ng nasasaklaw ito ng 200 miles Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sabi naman ni Loren­zana, pinagpaliwanagan na niya si Pangulong Du­terte sa importansya  o kahalagahan ng pagkilala sa alyansa sa Amerika na mahabang panahon ng kaagapay ng bansa maging sa mga panahon ng kalamidad.

vuukle comment

PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with