^

Punto Mo

‘Bagong Tokhang simula na!’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

KABABALIK pa lang ng Oplan Tokhang ng ating kapulisan walo na kaagad ang napatay.

Kinakatok ang bahay ng mga drug personalities at hihikayatin na sumuko na lang o di kaya ay sumailalim sa drug rehabilitation.

Sa magkakahiwalay na raid na isinagawa ng pulisya partikular na sa Bulacan ay naging bayolente umano ang mga suspek.

Nagkabarilan kaya may walong namatay at dalawampu’t isang naaresto ang PDEA at mga pulis.

Binansagang “Oplan Double Barrel Alpha, Reloaded,” ang muling paglulunsad ng kapulisan sa kampanya kontra iligal na droga na ang pupuntiryahin nila ay mga malalaking drug pushers pati na ang kinabibilangang grupo.

Una nang nagpahayag si PNP Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na ilan sa pagbabago na gusto nilang mangyari ay makasama ang Simbahang Katoliko sa Oplan Tokhang pati na ang ibang ahensya at organisasyon pati ang Commission on Human Rights (CHR).

Una nang sinabi ni Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi sila sasali sa Oplan Tokhang.

Baka daw ay magamit lamang sila sa isang propaganda. Linisin na muna ang hanay ng kapulisan dahil may mga konektadong pulis at mga politiko pa umanong sangkot.

Huwag na daw mag Tokhang at maghanap na lang ng ibang paraan. Sa titulo pa lang daw ng bagong kampanya laban sa iligal na droga ay duda na siyang magiging mapayapa ito.

Sa ganang akin bakit hindi muna nila subukan at baka sakaling mas mabawasan ang mga napapatay at makatulong sila.

Sa opisyal na pahayag ng CBCP sinabi nilang hindi na nila kailangang sumali dahil siniguro naman ni Gen. Bato na igagalang nila ang karapatang pantao.

Ang CHR naman ay nagbuo ng bagong grupo para mabantayan ang pagbabalik ng Oplan Tokhang.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso tumawag sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

OPLAN TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with