^

PSN Showbiz

Sarah ayaw nang masyadong magpa-pressure sa pagko-coach

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kumpirmado na muling babalik bilang coach si Sarah Geronimo sa The Voice Teens na malapit na ring mapanood sa Kapamilya network.

Sobrang excited na ng Popstar Princess na magsimula ang kanilang programa kung saan makakasama niyang muli sina Lea Salonga at Bamboo. Makakabilang din sa bagong season ng The Voice si Sharon Cuneta bilang coach.

Matatandaang hindi nakasama si Sarah sa The Voice Kids season 3 noong isang taon at pinalitan siya ng Megastar.

“Para sa lahat ng mga aspiring singers na katulad ko, pinagdaanan ko rin ‘yon. This is for them,” bungad ni Sarah.

Hanggang ngayon ay may ilang bashers pa rin na kumukuwestiyon sa pagiging coach ni Sarah ngunit hindi na lamang daw ito pinapansin ng dalaga.

“Everybody is parang nag-scrutinize, ‘Si Sarah, kaya niya ba mag-coach?’ So medyo may, ‘Shocks! Kailangan ko patunayan.’ Na-pressure rin ako, pero this time, ayaw ko masyado ma-pressure roon. Hindi natin matatanggal ‘yon. Gusto ko mag-focus sa talent talaga ng mga artists,” pagbabahagi ni Sarah.

Gerald pinaghahandaan ang gagawin uli nila ni Arci

Isang simpleng selebrasyon ang nakatakdang gawin ni Gerald Anderson sa Amerika para sa kanyang ika-28 na kaarawan sa March 7. Papunta ang aktor sa Los Angeles kung saan siya ay lalaban ng marathon sa March 19.

“Next, next week na rin ‘yan. Lilipad ako sa U.S. para lumaban ako sa L.A. marathon, para sa birthday ko na rin ‘yon. This Sunday meron kaming patakbo para sa mga crew at sa mga ibang fans for my birthday also. Pero ‘yung birthday ko, day off lang ‘yon. Baka dinner lang with my family, simple lang,” pagdedetalye ni Gerald.

Samantala, muling makakatambal ng aktor sa isang pelikula si Arci Muñoz. Matatandaang pumatok sa takilya noong isang taon ang Always Be My Maybe na unang pinagtambalan ng dalawa. Ngayon ay pinaghahandaan na nina Gerald at Arci ang Can We Still Be Friends na ipalalabas bago magtapos ang taon.

“Ito ay follow-up namin ni Arci sa last movie namin. Almost exactly one year na last year lumabas ‘yung movie namin. This time, ang title ng movie namin, Can We Still Be Friends. So parang title pa lang, ang dami ng tanong eh. Parang nakaka-excite. It’s a simple movie about a relationship,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Tinaguriang #TeamRelate ang tambalan nina Arci at Gerald at ayon sa aktor ay bagay na bagay daw ito sa kanilang mga ginagawa ng sexy actress.

“Gano’n talaga ‘yung brand namin ni Arci eh. Makaka-relate talaga ‘yung mga tao lalo na sa movie na ito. Sobrang excited na kami gawin para mapanood ng mga tao. Love story ito ng lahat. Ang daming makaka-relate eh. May mga times na naiisip ko, ‘Oo, ako din ‘yun.’ Bilang isang lalaki, sobrang nakaka-relate rin ako do’n sa mga ikinukwento nina direk at ‘yung mga writers,” pagtatapos ng aktor.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with