^

Metro

Tanod grinipuhan ng ka-live-in, grabe

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakikipagbuno kay kamatayan ang 29-anyos na barangay tanod na seng­lot makaraang saksakin ng kanyang ka-live-in sa gitna ng kanilang pagtatalo noong Martes ng hapon sa Malabon City.

Naisugod naman sa Tondo Medical Center dahil sa saksak sa dibdib ang biktimang si Rodolfo Tumapon ng Sitio 6 sa Barangay Catmon habang arestado naman ang suspek na si Mary Ann Panganiban, 32.

Sa ulat ng Malabon City Police, unang nakipag-inu­man sa magkahiwalay na lamesa ang magka-live-in kasama ang ilang kapitba-hay sa Sitio 6.

Dakong alas-3:30 ng hapon, napansin na umano ng biktima ang kanyang kinakasama na nalalasing na dahil sa nagiging maingay     na kaya sinabihang umuwi na.

Tumanggi naman ang babae na nagresulta sa mai-nitan nilang pagtatalo. 

Dito pumasok ng bahay ang suspek at paglabas ay tinarakan sa dibdib ang biktima. 

Uundayan pa umano ng isang saksak ang biktima subalit naawat na ng mga kasamahan.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek matapos isampa ang kaso sa Malabon City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with