Bela hindi kayang bumitiw sa ex!
Bagama’t officially ay hiwalay na si Bela Padilla at ang kanyang businessman-film producer boyfriend of four years na si Neil Arce, nanatili pa rin daw silang magkaibigan at partners in creating concepts for a movie or whatever.
Pinaka-latest collaboration nila ang now filming na Luck At First Sight, kung saan makakasama ni Bela si Jericho Rosales for the first time.
Si Dan Villegas ang director ng said movie.
Desidido si Bela sa kanyang desire na palawakin pa ang kanyang kumbaga, creative knowhow. Kasalukuyan siyang uma-attend ng scriptwriting classes under award-winning story and scriptwriter, Ricky Lee.
Of My Dear Heart, it’s her second project for ABS-CBN after FPJ, Ang Probinsyano. Pangalawang beses na rin niya gaganap bilang isang ina.
“I love kids,” ani Bela. “Kaya, kahit sa totoong buhay ay di pa ako isang ina, at home ako sa pag-play sa nabanggit na role.”
Ang pitong taong gulang na si Nayomi Ramos ang gumaganap na kanyang anak sa My Dear Heart, which is directed by Jerome Pobocan at Jojo Saguim.
Boyet nagmakaawang maging muslim
Probably, Salve A., it would interest Joel Torre to know that Christopher de Leon, well, according to Boyet (his pet name), practically begged for the role of a Muslim, na pumapapel din bilang ama ng lead actor na si Matteo Guidicelli sa pelikulang Across The Crescent Moon, which open in theaters nationwide today (January 25).
Joel doesn’t make secret that he was after the said role, too, when he was asked to join the cast. Yes, pagkatapos niyang makita ang iskrip.
Tulad ni Boyet, ito rin sana ang unang pagkakataon na gaganap si Joel bilang Muslim.
Gusto rin daw niya kasing makarating ng Tawi-Tawi kung saan nag-shooting ang Across…
Sa nabanggit na probinsya pala, marami sa ating mga Pilipino ang nare-recruit at kadalasan ay nagiging biktima ng human trafficking syndicate in the area.
Maraming action scene si Matteo sa pelikula na idinirek at isinulat ni Baby Nebrida. Gaganap si Matteo bilang isang Muslim at military officer na na-assign para mag-imbestiga sa human trafficking syndicate sa lugar.
Isang eksenasa kung Fu Yoga, umubos ng $30-M
Isang true action movie na dapat abangan ay ang Kung Fu Yoga, na pagbibidahan ng legendary action star of Asia himself, Jackie Chan.
Ayon sa director ng Kung Fu Yoga na si Stanly Tong, foremost film director and producer, kakaiba ang adrenaline na pinapamalas ni Jackie sa mga action scense niya.
Gaganap na isang archeology professor si Jackie sa Kung Fu Yoga. Lilibutin nila ng kanyang team ang Asia, Europe at Middle East, para hanapin ang isang rare diamond, supposedly a lost Magadha treasure.
Ayon kay Direk Tong, may isang eksena raw kunsaan gumastos sila ng 30-M US dollars.
At ito raw ay ang car chase in the streets ng Dubai, where luxury cars, such as Bugatti Veyron, Lamborghini, Bentley and Ferrari are featured.
Mapapanood ito sa Philippine theaters nationwide sa February 1.
- Latest