Ginebra lumapit sa kampeonato
MANILA, Philippines - Hindi ang bagyong ‘Karen’ ang nanalasa kagabi, kundi ang mga Gin Kings.
Inilapit ng Bara-ngay Ginebra ang sarili para sa pang-siyam na korona matapos gibain ang Meralco, 92-81, sa Game Five ng 2016 PBA Governor’s Cup Finals kagabi na sinaksihan ng 22,196 fans sa Smart Araneta Coliseum.
“Today we played more of a complete game,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone. “It’s better to be up 3-2 than down 2-3.”
Maaari nang tapusin ng tropa ni Cone ang na-sabing serye sa Game Six sa Miyerkules sa Big Dome.
Ang ikalawang sunod na panalo ang nagbigay sa Gin Kings ng 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven title series ng Bolts.
Huling nagkampeon ang Ginebra noong 20-08 PBA Fiesta Cup.
Nakabangon ang Meralco mula sa 21-point deficit, 27-48, sa second period bago nakadikit sa 77-82 mula sa freethrows ni Reynel Hugnatan sa huling 3:03 minuto ng final canto.
Ang three-point shot ni Sol Mercado kasunod ang mintis na tres ni Jonathan Uyloan sa panig ng Bolts ang nagresulta sa basket ni import Justin Brownlee para sa 87-77 abante ng Gin Kings sa natitirang 1:28 minuto ng laro.
Tumapos si import Justin Brownlee na may 29 points kasunod ang 16 ni Japeth Aguilar.
Pinamunuan ni Durham ang Meralco sa mu-la kanyang 20 markers.
- Latest