^

Police Metro

Robredo inutusan na magbayad ng P8-M sa counter-protest vs. Marcos

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ng Supreme Court na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) si Vice-President Leni Robredo na magbayad sa loob ng limang araw ng  P8-million cash deposit na  initial installment sa kanyang counter-protest kay dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na nagduda sa pagkapanalo nito noong May 2016 election.

Ang kautusang ito ng PET ay matapos na ibasura ang kahilingan ni Robredo na ipagpaliban ang cash deposit sa kanyang electoral protest.

Nanindigan  sa kanilang desisyon ang PET na magbayad si Robredo para umusad ang kanyang inihaing counter electoral protest laban kay Marcos.

Ang pagbabayad ng ikalawang cash deposit  kampo ni Robredo ay nauna nang itinakda ng PET hanggang July 14 na nagkakahalaga ng P7, 439,000.

Una nang nagbayad ang kampo ni Marcos ng paunang cash deposit noong April 17 sa hala­gang mahigit P36 mil­yong  para umusad ang inihain niyang protesta.

Gagamitin ang pera sa pagproseso ng mga ballot box at mga election document mula sa mga ibat ibang mga polling precinct na parehong kinukuwestiyon ng kampo nina Marcos at Robredo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with