^

Police Metro

Bahay ng pulis kernel na lover ng Abu, ni-raid

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

Sangkap sa paggawa ng bomba nasamsam...

MANILA, Philippines - Sinalakay kamakalawa ng mga otoridad ang bahay at apartment ni Supt. Maria Cristina Nobleza sa Bukidnon at Bohol at nasamsam ang sari-saring mga armas, sangkap sa paggawa ng bomba at mga subersibong dokumento  patungkol sa teroristang aktibidades.

Si Supt. Nobleza ay nasakote noong Sabado ng gabi nang tumakas ito sa police checkpoint  sa bayan ng Clarin, Bohol kasama ang driver na si Reener Dongon na natuklasang lover nito at isa palang miyembro ng Abu Sayyaf na bomb expert.

Batay sa ulat ni Supt. Lemuel Gonda, Spokesman ng Northern Mindanao Regional Police, bandang alas-9:00 ng gabi nitong Lunes nang sa­lakayin ng mga pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang bahay ni Nobleza sa Pine Hills Exe­cutive Homes, Purok 5, Brgy. Casisang, Malaybalay City, Bukidnon batay sa ipinalabas na search warrant  ni Judge Ma. Theresa Aban-Camannong, Executive Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9.

Nasamsam sa raid ang isang M16 rifle, pitong magazine ng M16, isang cal. 45 pistol bandolier, isang kulay dilaw na timer na gamit sa Improvised Explosive Device (IED), bomb component, 66 non electric blasting caps, isang 9 volts ng battery at sari-saring mga subersibong dokumento.

Sa isa pang operasyon ay sinalakay din ng mga otoridad ang apartment na tinuluyan ni Supt. Nobleza sa Panglao Island, Bohol  at nakumpiska ang mga C4 explosive, detonating cord, blasting cap, at mga personal na kagamitan.

Nahaharap sa karagdagang kasong illegal possession of firearms, obstruction of justice, resistance and disobe­dience to agent  of person in authority.

Samantala, dinala na kahapon ang mag-lover sa PNP Headquarters sa Camp Crame kahapon.

Bandang alas-10:00 ng umaga nang dumating sa Camp Crame sina Supt. Nobleza at ang  kalaguyo nitong si Dungon   na ibiniyahe mula sa Tagbilaran City, Bohol patungong NAIA Terminal III.

Dakong alas-8:00 ng umaga nang umalis sa Tagbilaran City ang mag-lover  sakay ng isang commercial flight na kaagad namang idineretso sa PNP Directorate for Intelligence Headquarters kung saan ang mga ito sumasailalim sa masinsinang interogasyon.

Ikukulong sa PNP Custodial Center si Supt.Nobleza dahilan isa na itong high risk detainee gayundin ang kaniyang lover.

Kinumpirma ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na pauwi na sa bansa si Sr. Supt. Allan Nobleza, ang mister ni Supt. Cristina.

Si Sr. Supt. Allan ay kasalukuyang Police Attache sa Pakistan.

 Nabatid pa kay Dela Rosa na nadestino Si Supt.Cristina  ay dating nadestino sa Intelligence Group ng PNP pero hindi ito deep penetrating agent.

Sinibak na rin ni PNP Crime Laboratory Director P/Chief Supt. Aurelio Trampe si Supt. Nobleza bilang Deputy Director ng Davao Regional Police Office sa Region 11 bunga ng kahihiyang idinulot nito at pagtratraydor sa PNP.

vuukle comment

MARIA CRISTINA NOBLEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with