^

Punto Mo

Pinakamatandang babaing astronaut, nakaka-534 araw na sa kalawakan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKUHA ng astro­naut na si Peg­gy Whitson ang record para sa pinakamatagal na pamamalagi sa kalawakan ng isang Amerikano matapos siyang makapagtala ng 534 na araw sa kalawakan noong Lunes.

Ilang buwan nang namamalagi si Whitson sa International Space Station at sa Setyembre pa siya nakatakdang bumalik sa daigdig.

Mas nakakamanghang malaman na nadaig ni Whitson ang ibang US astronauts, na ang karamihan ay lalaki, ngayong siya pa ang kinikilalang pinakamatandang babae sa kalawakan sa edad na 57.

Dahil sa kanyang naitalang record, tinawagan siya ni US President Donald Trump mula sa White House upang i-congratulate. Nakipagbiruan pa nga si Trump tungkol sa iniinom na tubig ng mga astronaut, na minsan ay kinukuha mula sa kanilang mga na-filter at nalinis nang mga ihi.

Hindi na bago kay Whitson ang pagtatala ng mga bagong record dahil bukod sa pinakamatagal na pamamalagi sa kalawakan at pagiging pinakamatandang babaing astronaut ay siya rin ang kauna-anahang babae na naging commander ng International Space Station noong 2008.

Si Whitson din ang may hawak nang pinakamaraming spacewalk o paglalakad sa labas ng isang sasakyan habang nasa kalawakan. Nakaka-walo na si Whitson na pinakamarami para sa isang babaing astronaut.

vuukle comment

PEG­GY WHITSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with