^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tiyakin ang kaligtasan

Pilipino Star Ngayon

DADAGSA ngayong araw na ito ang mga pasaherong pabalik sa Metro Manila mula sa tatlong araw na bakasyon at paggunita sa Semana Santa. Walang ipinagkaiba ang pagdagsa ng mga pasahero noong nakaraang linggo para umuwi sa kani-kanilang probinsiya. Kung ano ang sitwasyon sa pag-uwi sa mga bus terminal, pier at airport, tiyak na ganito rin ang mararanasan ngayong araw na ito hanggang bukas.

At ang ganitong sitwasyon na masyadong dami ng pasahero ang sinasamantala ng mga terorista. Ito ang hinihintay nilang pagkakataon para maghasik ng lagim. Magsasagawa sila ng pambobomba sa mga pampasaherong bus, barko at maski eroplano. Isasakatuparan ang kanilang masamang balak na maghasik ng karahasan.

Bagama’t sinabi ng Philippine National Police (PNP) na 24-oras silang gising para magbantay sa buong bansa, hindi rin naman ito lubos na mapapaniwalaan sapagkat mayroon pa ring nakakalusot sa kanilang mga mata. Mahina ang kanilang intelligence gathering at mas nauunahan pa ng ibang bansa sa pag-monitor sa kilos ng mga terorista. Maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay mahina rin sa pagtunog sa kilos ng mga taong ito na nagdudulot ng problema sa bansa.

Halimbawa na lamang ay ang pagkakalusot ng mga teroristang Abu Sayyaf sa Bohol. Mula sa Sulu ay nakarating ang mga terorista sa Bohol na dinarayo ng mga turista. Balak umanong mangidnap ng Abu Sayyaf sa Bohol. Nasa 60 hanggang 70 Sayyaf  ang nagtungo sa Bohol. Pero bago pa ang pagkakadiskubre ng PNP at AFP sa presensiya ng Sayyaf sa lugar, una nang nagbigay ng advisory ang United States sa kanilang mamamayan na mag-ingat sa pagtungo sa Central Visayas dahil may balak na pangingidnap. Kasunod ng advisory ng US ay ang paalala rin ng Australia sa kanilang mamamayan na iwasan ang Visaya at Mindanao.

Saka lamang naalerto ang PNP at AFP at nalaman na may mga nakapasok ng Sayyaf sa Bohol. Anim  ang kanilang napatay at kabilang dito ang top leader na si Abu Rami na responsable sa pagpugot sa Canadians at German hostages noong nakaraang taon.

Hindi titigil ang mga terorista kaya nararapat na maging alerto ang PNP at AFP. Naghihintay lamang sila ng pagkakataon. Tiyakin ang seguridad ng ma-mamayan at mga dayuhan laban sa mga terorista.

vuukle comment

EDITORYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with