^

PSN Opinyon

‘De Lima, nagpapakasaya na!’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

NAKATALIKOD, nakasuot ng jacket sa madilim at babagsak ang rehas sa mga kriminal. Ito ang political advertisement ni Sen. Leila De Lima nung nangangampanya siya sa pagka-Senador. Ni sa hinagap hindi niya naisip na darating ang araw na siya ang nasa loob ng mga rehas.

Inihanda niya na ang kanyang sarili pati mga gamit sa posibleng pagkakakulong dahil sa pagkakasangkot niya sa iligal na droga.

Dadaan sa ‘determination of probable cause’ ang kaso ng Senadora. Kapag nakitaan ito ng Judge ng probable cause ay maglalabas na ng ‘warrant of arrest’ para siya ay arestuhin.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act kinakaharap niya.

Mismong mga inmates ng New Bilibid Prison ang tumestigo laban sa kanya na sangkot siya. Ilan sa kanila ay sina Jaybee Sebastian, Hans Anton Tan, Froilan Trestiza, Jojo Baligad, Noel Martinez, Jaime Patcho at iba pang nakakulong sa Bilibid.

Ang isang testimonya para paniwalaan ay hindi lamang dapat galing sa kapani-paniwalang tao kundi maging ang testimonya mismo ay kapani-paniwala na.

Ilan pa sa mga nagbigay ng testimonya ay naghain ng apela para sa ‘executive clemency’.

Pinagdaanan na lahat ni Senator De Lima. Pagkakagisa sa mga hearing, pagsagot sa mga akusasyon at pati na ang personal niyang buhay ay naungkat.

Isa sa pinagpiyestahan ay ang relasyon niya sa kanyang driver/bodyguard na si Ronnie Dayan.

Natanggap niya na rin ang lahat ng pambabatikos hindi lang ng mga taong bayan sa social media maging sa mismong Presidente. Ipinagtanggol man niya ang kanyang sarili sa huli nasampahan pa rin siya ng kaso.

Sa kabila ng mga paratang sa kanya mariin niyang sinasabing inosente siya at ang mga kaso laban sa kanya ay bunga lang ng pagtuligsa niya kay Presidente Rodrigo Duterte.

Ito ay umano’y pagganti sa kanya dahil sa pag-iimbestiga niya sa extra judicial killings sa Davao nung nakaupo pa itong Mayor.

Isa lamang daw ito sa paraan upang siya’y mapatahimik. Wala umanong ibang dahilan para gawin sa kanya ito kundi ang pag-uungkat niya ng mga isyu na may kinalaman sa Presidente.

Matapang pa rin ang Senadora kahit na malaki ang posibilidad na makulong siya dahil mariin niyang sinabi na hindi siya mapapatahimik ng mga kasong isinampa sa kanya. Lalaban siya hangga’t kaya niya.

Posibleng huling weekend niya nang malaya nitong nagdaan kaya sinulit niya na ang panahon para makasama ang kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.

Sumama siya mga madre sa Quirino Grandstand para sa ‘Walk of Life’. Tulad ng simbahang Katoliko ay hindi pabor si Sen. De Lima sa pagbabalik ng capital punishment sa bansa o ang ‘death penalty’.

Dumalo siya sa mga ito dahil pareho ang kanilang ipinaglalaban sa kanilang pinaniniwalaan.

Naghahanda na rin ang kanyang mga abogado para mag-file ng kaukulang apela para mapigilan ang paglalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Ipinaliwanag naman ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon na hindi sakop ng immunity na ibibigay sa miyembro ng Kongreso dahil lampas anim na taon ang hatol sa kanya.

Kinakaharap din ngayon ni Sen. De Lima ang reklamo tungkol sa pagbibigay niya ng payo kay Dayan na huwag dumalo sa pagdinig.

Nagsumite siya ng kanyang kontra-salaysay at inaasahang ngayong buwan ay lalabas na ang hatol tungkol dito.

Ganun pa man tiniyak ni PNP Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na magiging ligtas si Sen. De Lima sa Crame.

Ang pinakaligtas daw na detention facility ay ang PNP Custodial Center kung saan naroon din sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Boluntaryong kinuha ni Gen. Dela Rosa ang kostudiya kay Sen. De Lima.

Marahil ang ibig niyang sabihin ay makakasama niya ang kanyang kamag-anak at makasinghot ng sariwang hangin.

Isinampa ang kaso laban kay De Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court at isa ito sa kanyang kinukwestiyon.

Pagdidiin niya ang kaso laban sa public official tulad niya ay dapat inire-refer sa Ombudsman at kapag nakitaan ng pro­bable cause ay isasampa sa Sandiganbayan.

Sinusuportahan naman siya ng kanyang mga kaalyado na yun ang tamang proseso na dapat pagdaanan ni Sen. De Lima at hindi dapat isinampa ang kaso sa Muntinlupa RTC.

Bumuwelta si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ang Muntinlupa RTC ang may sakop sa mga kaso ni Sen. De Lima. Criminal in nature daw ito at walang kinalaman sa kanyang pagtupad sa tungkulin bilang secretary of Justice.

Sabihin man ni Sen. De Lima na inihahanda niya ang kanyang sarili hindi niya pa rin ito magagawa dahil ibang mundo na ang kanyang gagalawan pagkapasok niya sa Crame.

Mula sa magara at malaking mundo niya sa Para?aque City ay bigla itong liliit at mapupunta siya sa isang maliit na selda.

Lahat ng pwede niyang gawin habang hindi pa siya nabababaan ng warrant of arrest ay ginawa niya. Isa na rin dito ang pagbisita sa Our Lady of Manaoag Church sa Pangasinan.

Ito ang simbahang binibisita niya kapag dumadaan siya ng ilang mga kontrobersya at krisis.

Hindi naman dito nagtatapos ang yugto ni Sen. Leila De Lima. Magkakaroon pa siya ng pagkakataon na maipagtanggol ang kanyang sarili sa Sandigan Bayan at doon ay lalabas ang katotohanan.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with