^

Bansa

Barker, colorum taxi ipapahuli sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na ipahuhuli niya ang mga barker at colorum taxis na nambibiktima ng mga pasahero sa mga terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa Lunes (Feb. 13).

Sinabi ni Monreal, na kaliwa’t-kanan ang mga natatanggap niyang reklamo sa mga pasahero at ma­ging sa mga empleado sa NAIA na sumasakay ng mga taxi dahil sa garapalan pinaggagawa ng mga barker at colorum taxis sa kanila.

‘Grabe silang mani­ngil may patong pa hindi lang mga taxi drivers ang gumagawa nito sa kanila kundi pati mga barker.’ sabi ng isang empleado na ayaw ipabanggit ang pangalan.

Ayon sa reklamo mas matindi sila kung mani­ngil kapag ‘rush hours’ at umuulan bukod sa patak ng metro ang babayaran mo ay may karagdagan pa silang sinisingil. Hindi sila makapalag dahil nakasakay na sila ng taxi at natatakot na baka may mangyari sa kanilang masama.

‘Nararamdaman namin ang saloobin ng mga pasaherong nabibiktima ng mga abusadong drayber at barker dahil kahit ako ay naging biktima na rin nila ng sumakay ako ng taxi at hindi nagpakilala sa kanila.’ sabi ni Monreal.

Nagsanib puwersa ang LTFRB at mga Airport Police sa mga terminals ng NAIA para hulihin ang mga inirereklamong mga taxi drayber at barkers.

Ang mga barkers sa NAIA ay iyong mga taong kumakaway sa mga pasahero para isakay sa kanilang kasapakat na taxi drivers.

Humihingi ng pangunawa si Monreal sa mga naging problema ng mga pasahero at empleado dito kaya naman inatasan na niya ang Airport police na hulihin ang mga ito sa airport.

Ayon kay Monreal, may 300 white taxis na silang nasa talaan ng blacklisted kaya ang mga ito ay tiyak na hindi na makakapasok o makakakuha ng mga pasahero sa loob ng arrival at departure ng paliparan.

vuukle comment

ED MONREAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with