^

Bansa

Binata binistay ng bala

ALWAYS RIGHT NOW - Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang binata makaraang pagbabarilin ng tatlo sa anim na motorcycle riding suspect na nakasuot ng face mask sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Batasan Hills, Quezon  City, kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District, nakilala ang biktima na si Hubert De Mata, 22, ng ng Muñoz St., Talanay Area B, ng nasabing barangay.

Nangyari ang insidente dakong alas-9 ng gabi kung saan ayon sa tiyuhin ng biktima na si Jaime de Mata, kasalukuyan niyang inaayos ang tindang balot nang makarinig siya ng mga putok ng baril sa lugar.

Nang kanyang tignan ay nakita niya ang biktima na dugu­ang nakahandusay sa simento habang ang mga suspek ay patuloy na binabaril ito sanhi ng agaran nitong kamatayan. Matapos ang krimen ay agad na sumibat ang mga suspek palayo lulan sa tatlong motorsiklo.

vuukle comment

BALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with