^

PSN Palaro

Victolero bagong coach ng Hotshots

THE UNGENTLEWOMAN - Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang blockbuster trade na kinasangkutan ni James Yap ay muling gumawa ng aksyon ang Star para sa kanilang pagpapalakas sa darating na PBA season.

Kahapon ay hinirang ng Hotshots si Chito Victolero, dating assistant sa Mahindra, bilang bagong head coach kapalit ni Jason Webb.

Kabuuang siyam na panalo lamang ang naibigay ng dating PBA guard na si Webb para sa Star sa nakaraan nilang PBA season.

Pormal na ipinakilala ni Hotshots’ governor Rene Pardo sa koponan si Victolero sa kanilang team practice isang araw matapos ibigay si Yap sa Rain or Shine Elasto Painters bilang kapalit ni 2012 PBA Rookie of the Year Paul Lee.

Sa kabila ng pagkagulat sa nangyari ay pinasa-lamatan pa rin ng 34-anyos na si Yap ang Star (Purefoods/San Mig Coffee) sa 12 taon niyang paglalaro sa prangkisa.

Idinaan ito ni Yap sa kanyang Instagram account.

Sa isang Instagram post ay ipinakita ni Yap, nagbigay sa prangkisa ng pitong PBA championship tampok ang PBA Grand Slam noong 2014 at hinirang na PBA MVP noong 2006 at 2010, ang kanyang nakasabit na Purefoods No. 18 jersey sa kanilang dugout.

“Maraming salamat sa Purefoods family ko sa lahat ng tiwala at sa pagalaga nyo sa akin sa 12 years,” sabi ni Yap sa kanyang caption.

“Salamat sa Purefoods fans sa suporta at pagmamahal. It has been a wonderful ride! Maraming salamat at God bless!”

Ayon sa 6-foot-2 na si Yap, ang No. 2 overall pick ng Purefoods noong 2004 PBA Rookie Draft, dalawa hanggang tatlong taon na lamang ang kanyang itatagal sa PBA bago tuluyang magretiro.

Sa huling season ng tubong Escalante City, Negros Occidental para sa Star ay nagtala si Yap ng career-low na 11.62 points at mga averages na 2.93 rebounds at 1.28 assists.

vuukle comment

BLOCKBUSTER TRADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with