^

Probinsiya

Minero inutas sa videoke bar

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines -  Bulagta ang 38-anyos na minero habang sugatan naman ang tatlo pa makaraang pagbabarilin ng dalawang motorcycle-riding gunmen sa harap ng Acacia Video K Bar sa Barangay Puro sa bayan ng Aroroy, Masbate noong Lunes ng gabi. Kinilala ang napatay na si Randy M. Rudio ng Sitio Boston, Brgy. Capsay habang sugatang naisugod sa Masbate Provincial Hospital sina Julius S. Ramones, 25, ng Brgy. Baao, Baleno; Carmi Grace Clarion, 30; at Grace S. Benesano, 26, kapwa namamasukan sa nasabing videoke bar. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nagkukuwentuhan ang apat sa harap ng videoke bar nang biglang lapitan at ratratin ng apat na sakay ng dalawang motorsiklo. Selos ang isa sa anggulong sinisilip ng pulisya sa pamamaril habang narekober naman sa crime scene ang 12 basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

RANDY M. RUDIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with