^

Probinsiya

Karambola: Misis pisak, 2 kritikal

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines - Patay ang 54-anyos na misis habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos maipit ang kanilang traysikel sa karambola ng tatlong sasakyan sa Barangay Bascaran, bayan ng Solano Nueva Vizcaya kahapon ng madaling araw. Idineklarang patay sa ospital ang biktimang si Lolita Querol habang ginagamot naman sina Rodrigo Brin, 52, driver ng trike at Geybert Balangatan, 43, mga residente ng Barangay Concepcion. Sa inisyal na ulat ng pulisya, lulan ng traysikel ni Brin sina Balangatan at Querol nang tumbukin ng sasakyan ang likurang bahagi ng trike kaya mawalan ng control at sumadsad sa kabilang linya ng kalsada. Sinalpok naman ng Mitsubishi adventure (SFG909) na pag-aari ng LGU Bayombong na minamaneho ni Jonel Leano habang sinalpok din ng isa pang Mitsubishi Canter naman ni Ruel Moise Ramos na mag-o-overtake rin sana sa kabilang kalsada. Agad namang inalerto ang pulisya para masakote ang driver ng sasakyang sumalpok sa trike.

vuukle comment

LOLITA QUEROL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with