^

Metro

2 bebot itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang babae ang pinagbabaril at napatay ng  riding-in-tandem habang naglalakad sa panulukan ng Old Antipolo St. at Jose Abad Santos Avenue sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Inaalam pa ang pagkakilanlan sa dalawang babaeng biktima na habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang kaanak na lumulutang para matukoy ang kanilang mga pangalan. Kapwa idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang dalawang biktima.

Sa inisyal na impormasyon, dakong alas-5:25 ng hapon kahapon nang maganap ang pamamaril sa dalawa sa Old Antipolo St.

Sa footage umano sa closed circuit television sa lugar, nakasuot ng sumbrero ang gunmen kaya hindi makikita ang kabuuang histura ng mga mukha na sakay ng motorsiklo.

Multiple gunshot wounds ang ikinasawi ng dalawang biktima.

Inaalam pa ang motibo sa krimen. Habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

 

vuukle comment

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with