^

PSN Opinyon

P%@#&!!! N@#%(&%!!

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

HINDI ko mapigilang umiyak at manggalaiti sa galit nang nabalitaan ko ang nangyari sa apat na buwangsanggol na kinidnap at ginahasa pa sa Carcar, Cebu noong isang araw.

Napaiyak ako sa sinapit ng sanggol. 

Naging emotional ako dahil hindi ko lubos maisip paanong magawa ng isang tao ang ganung kasuklam-suklam na krimen sa isang sanggol. Mas masahol pa sa hayop ang may kagagawan nito.

At nagkataon na lumabas ang balita tungkol sa nangyari sa sanggol na si President Duterte ay nagtalumpati sa isang pagtitipon sa Marco Polo Davao Hotel at muli niyang idiniin na sana nga ay mangyari ang reimposition ng death penalty sa bansa. 

Kahit ilang beses pang ipataw ang death penalty at mamatay ang suspek o mga suspek sa krimen na ‘yon ay hindi kayang bayaran ang kahayupang ginawa nila sa sanggol.

Para sa akin walang kapatawaran ang krimen na ‘yon. 

Hindi ko maiwasang isipin na sana’y sa mismong sandaling ‘yon ay patawan ng kamatayan ang gumawa noon sa sanggol. 

Napaiyak na lang akong muli at sa isip ko karga-karga ko ang sanggol at binubulungan ko siya  ng “tahan na”. 

Ngunit hindi sapat ang “tahan na”. Hustisya para sa sanggol at sa lahat ng biktima ng panggagahasa ang sinisigaw ng kalooban ko.

vuukle comment

MARCO POLO DAVAO HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with