^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Noon pa marami nang ‘bugok’ na pulis

Pilipino Star Ngayon

BINABATIKOS si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa paglipana ng mga “scalawag” na pulis. Hindi raw kasi natututukan ng PNP chief ang trabaho kaya nagka­ganito. Hindi raw nito nasusubaybayan ang mga pulis kaya nagbibigay ng problema ngayon sa bayan.

Sabi ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, dating police general, kung nagabayan daw ni Dela Rosa ang mga pulis ay hindi sana humantong sa mga mala­laking problema na nagpababa sa imahe ng PNP.

May katwiran ang kongresista dahil nakikita nang marami na palaging dumadalo si Dela Rosa sa mga concert, basketball at boxing match at iba pang pagtitipon. Subalit, hindi naman dapat ibuhos lahat kay Dela Rosa ang sisi kung bakit naging ganito “kasama” ang ilang pulis. Noon pa, bago pa hawakan ni Dela Rosa ang PNP ay marami nang scalawags. Nagkataon lang na ngayon nabulgar ang mga “bugok” kaya nakakaladkad ang pangalan ni Dela Rosa.

Noong panahon ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima, marami ring pulis na sangkot sa illegal na gawain. Mayroong lantaran ang ginagawang pang­huhulidap sa EDSA na nakukunan pa ng mga nagdaraang motorista. Pero kahit may mga ebidensiya, hindi pa rin mapatalsik ang mga “hulidaper” na pulis na nakadestino sa La Loma Police Station 1 sa Mayon St. Quezon City. Nasaan na ang mga “bugok” na pulis?

Marami na ring pulis ang nagre-recycle ng shabu noon pero hindi sila madakma. Nagtatakipan lang dahil kumakamal sila ng pera. Hindi na nakapagtataka na maraming pulis na may ranggong PO1 at PO2 na nasa Anti-illegal drugs division ang may malalaking bahay at mga sasakyan.

Ang pamamayagpag ng mga scalawag na pulis ay noon pa at hindi lamang sila mahubaran dahil sa kawalan ng kakayahan ng PNP chief at marahil ay nang Presidente na rin ng bansa dahil “malakas” sa kanya ang namumuno sa pambansang pulisya.

Noong nakaraang Lunes, pinagmumura ni President Duterte ang mga scalawag na pulis at ipada­dala na ang mga ito sa Basilan. Ang ilan ay paglilinisin ng basura sa Pasig River. Sana, mawala na ang scalawags sa PNP para maibangon ang imahe. Masyado nang bagsak ang moral ng mga pulis. Kawawa naman ang mga matitino na nadadamay sa “kabugukan”.

vuukle comment

RONALD DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with