^

Pang Movies

Boobay balik na sa pagtatrabaho

SECOND WIND - Jun Nardo - Pang-masa

Natuwa si Allan K nang mapanood niya kahapon sa Sunday PinaSaya ang kaibigang si Boobay sa segment nila ni Marian Rivera.

Tuwang-tuwa rin siyempre si Yan Yan na unang tumulong kay Boobay nang ma-stroke ito before December. Todo higpit pa ng yakap niya sa kaibigan sa huling bahagi ng segment.

Nu’n kasing bisitahin ni Allan si Boobay sa hospital, kilala siya pero hindi mabanggit ang name niya. Kumbaga, mabagal pa ang utak niya.

Si Allan din kasi ang kumimbinse kay Boobay na maging bahagi ng Klownz at Zirkoh Comedy Bar niya. Isa siya sa crowd drawer sa mga stand-up comedian.

Hinay-hinay lang sa work, Boobay!

Banal-banalan muna Kris nilibot ang mga simbahan sa Italy

Nagliliwaliw ngayon sa Italy si Kris Aquino. Ito ang kanyang unang biyahe na hindi kasama ang dalawang anak.

Ang mga pinuntahang simbahan ang pinost ni Kris sa kanyang Instagram account sa application na Flipagram.

“Raffaelle brought us around the list of Rome Churches I researched to see & pray in. What a faith reaffirming experience to be in such beautiful places of worship,” caption ni Kris.

Isa ang bansang Italy sa bucket list ni Kris.

Isang Sang’gre sa Encantadia, tsutsugiin na!

Ay, merong mamamatay na Sang’gre sa Encantadia ngayong gabi. Base ‘yan sa TV plug at social media posts ng ilang involved sa nangungunang programang panggabi sa telebis­yon.

Sino ang lalaban hanggang kamatayan? Abangan sa Encantadia…huwag bibitiw simula lunes January 23 GMA Telebabad,” art card ng programa na pinost ni Redgie Acuna Magno, VP for Drama, GMA, sa Facebook account.

Ang apat na gumaganap na Sang’gre ay sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro.

Kung sino sa kanilang apat ang goodbye na sa show, your guess is as good as ours, huh!

Walang choice ang involved sa telefanstasya kungdi patayin ang character niya.

After Encantadia, huwag ding bibitiw sa kasunod na Alyas Robin Hood at ang kilig-serye na Meant To Be!

vuukle comment

ALLAN K

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with