^

Pang Movies

JC mainit ang mata kay Kim!

THE X-PAT FILES - Baby E - Pang-masa

For his next leading lady, kung mapagbibigyan daw siya, ayon kay JC Santos, type raw niyang makapareha si Kim Chiu. Ewan daw kung bakit gandang-ganda siya sa tsinitang ito.

At obvious na nagagalingan din siya kay Kim bilang artista.

That there is the possibility that he might fall for Kim, openly inaamin ni JC na may girlfriend na siya na isang theater actress.

Samantala, may nakatakda raw gawing movie si Xian Lim. Common knowledge nang may reunion series nina Kim at Gerald, na dating magkarelasyon at magka-loveteam.

PNP Chief Bato ginawang priority ang pelikula ni Matteo?!

‘Yong panoonod pala, Salve A., ni PNP (Philippine National Police) Chief Ronald “Bato” dela Rosa, ng premiere showing ng pelikulang Across The Crescent Moon, ang tinutukoy na event na dinaluhan  niya with his family.

Imbitado nga siya sa premiere event ng movie ng producer at director na si Baby Nebrida, as General Bato had a hand sa paggawa nito.

Direk Baby, who by the way also wrote the story, sought the advice ni Gene­ral Bato dahil ang gina­gampanan na role ni Matteo Guidicelli ay isang Muslim Special Action Force (SAF) Exemplary Officer, who is tasked by the military to investigate a human trafficking syndicate sa Tawi-Tawi Island.

In fact, may role si General Bato sa pelikula at ang kanyang karakter ay ginampanan ni Ku Aquino.

Inamin ni Baby na malaki ang naitulong ni Ge­ ne­ral Bato, para maging makatotohanan ang paglalahad niya ng kuwento, lalo na ‘yung parteng may kinalaman sa human trafficking.

Maganda ang pelikula at nakaka-overwhelm ang cast nito.

Kasama rin sa cast ng Acroos the Crescent Moon sina Christopher de Leon, Gabby Concepcion, Dina Bonnevie, Sandy Andolong, Joem Bascon, Rez Cortez, Leo Martinez, at Ku Aquino. Featured sina Garie Concepcion at Mariel de Leon, mga anak nina Gabby at Christopher, respectively.

Introducing naman sina Jerene Tan at Alex Go­dinez, na gumanap bilang Christian wife ni Matteo.

Opening sa mga sinehan nationwide ang Across The Crescent Moon sa January 25.

Parehong loveless Zanjoe at Bela pwede raw magkainlaban

Wow, Salve A., usap-usapan  na ‘di raw kaya magkadebelopan sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla, na kasalukuyang magka­trabaho for the first time sa kasisimulang series, My Dear Heart, dahil pareho na silang loveless.

Magwa-one year na mula nang magkahiwalay bilang mag-sweetheart sina Zanjoe at Bea Alonzo. Kamakailan lang ay naghiwalay naman sina Bela at ang movie producer-businessman boyfriend niya na si Neil Arce.

Four years din palang nagtagal ang relasyon nina Bela at Neil. Both promised, though, to remain friends.

Ganun din, kung sabagay, ang pronouncement mula kina Bea at Zanjoe.

Habang matindi na ang diumano’y romansang namamagitan kina Bea at Gerald Anderson, wala pa namang nahahanap na kapalit si Bea sa puso ni Zanjoe.

Pagkatapos magka-cancer, Dindo Arroyo nagbabalik sa Probinsyano

Nice na mapanood muli ang veteran character actor na si Dindo Arroyo sa top series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Matagal ding nawala sa big and small screen si Dindo. Iyon pala, na-diagnosed siya na may liver cancer, fourth stage.

Salamat na lang daw at na-arrest ito, when upon the advice of a Chinese doctor, he took to a certain herbal medicine.

As usual, role ng isang kontrabida ang role ni Dindo sa Ang Probinsyano. At labis-labis daw ang pasasalamat niya sa people behind the series for giving him the chance to work again.

He hopes to do more projects soon.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with