^

Pang Movies

Pia naiyak nang mapag-usapan ang relasyon sa Miss U

HUMMING IN MY UNIVERSE - Lolit Solis - Pang-masa

Cry me a river si Miss Universe Pia Wurtzbach sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa Bottomline dahil napag-usapan ang relasyon at magandang samahan nila ng mga opisyal ng Miss Universe Organization.

Tiniyak ni Pia na mami-miss niya si Paula Shugart, ang presidente ng Miss Universe Organization at ang manager niya na si Esther Swan.

Napaiyak din si Esther habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Pia kaya hindi puwedeng i-deny na malalim at talagang maganda ang samahan nila.

Touched na touched si Pia nang malaman nito ang sinabi ni Paula na hard act to follow ang reign niya bilang Miss Universe at iiyak siya kapag nagbabu na ang Pinay beauty queen sa MUO.

In fairness kay Pia, ginawa niya ang lahat ng tungkulin ng isang Miss Universe at hindi siya naging pasaway tulad ng ibang mga winner.

At least, nakita ng MUO na talagang mabubuti at mahusay maki­sama ang mga Pilipino, base sa mga karanasan nila kay Pia.

Cry me a river din ang televiewers sa kuwento ni Pia na napaiyak ito nang makita niya ang kopya ng kontrata ng kanyang first endorsement bilang Miss Universe. Napaluha si Pia dahil nag-flashback sa kanya ang mga pagsubok na pinagdaanan noong struggling pa siya na beauty queen.

Knows ng buong Pilipinas na maaga na sumabak sa trabaho si Pia dahil sa kagustuhan nito na maka­tulong sa pamilya niya.

Nag-artista si Pia pero hindi nag-boom ang showbiz career nito dahil mas malaki pala ang reward na naghihintay sa kanya at ito nga ay ang pagiging Miss Universe na pinaghirapan naman niya.

Hindi madali para kay Pia ang sumali ng tatlong beses sa Bb. Pilipinas para matupad ang pangarap niya na maging representative ng bansa natin sa Miss Universe.

Isipin n’yo kung hindi Miss Universe Philippines title ang napanalunan ni Pia pero para sa kanya talaga ang korona na naging instrumento sa pagsali niya sa Miss Universe 2015.

Bunak at Bilog mas sumikat dahil sa panggagaya ni Maine!

Daig ng maagap ang masipag dahil natag­puan agad ng staff ng Kapuso Mo Jessica Soho sina Bunak at Bilog, ang mga bata sa viral video na ginaya ni Maine Mendoza at ng kapatid nito.

Hit na hit sa mga Pinoy ang video nina Bunak at Bilog na Rated SPG dahil may violence na involved, binatukan nila ang isa’t isa with matching curse.

Lalong sumikat ang viral video ng dalawang bagets dahil sa panggagaya sa kanila ni Maine.

At dahil maagap ang staff ni Mama Jessica, na-locate nila agad ang kinaroroonan ng mga bagong Internet sensation at ipinalabas kagabi sa Kapuso Mo Jessica Soho ang interbyu sa kanila.

Sina Bunak at Bilog ang pumalit sa Pabebe Girls na nagpasikat sa vi­ deo ng “Wala kayong pake!” noong 2015.

Naging mabenta sa mga television show ang Pabebe Girls pero sandali lamang ang popularity nila dahil naghanap ng ibang mga video na mapagdidiskitahan ang mga Pinoy na mabilis magsawa at palaging naghahanap ng bago.

vuukle comment

MISS UNIVERSE PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with