^

Pang Movies

Nadine, perfect 10 ang grado sa halik ni James!

EXISTENTIAL BLABBER - Vinia Vivar - Pang-masa

Sa Feb. 11 ipagdiriwang nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang first year anniversary as a couple. Asked kung ano ang plano nila sa kanilang anniversary nang mag-guest sila sa Tonight With Boy Abunda, ayon sa young actress ay gusto raw sana nilang mag-hiking.

Last Friday ay nagtapos na ang serye nilang Till I Met You at ayon sa dalawa, may mga nakaplano raw na movies para sa kanila.

“Sa music, it’s coming soon, and tours also being lined-up,” sey ni James.

Natanong ang dalawa kung ano ang nami-miss nilang bagay ngayong sikat na sila.

“I guess, the privacy,” sey ni Nadine.

“But it comes with it talaga, eh. Kasi like we can’t go out na nang walang stolen photos like kakain kami, nakabukas ‘yung bibig nang malaki, may picture, and all that. Parang ganu’n.

“So, ‘yun lang. But it’s okay. I guess, it comes with it.”

Sa Fast Talk ay natanong si James kung nakikita na ba niya ang sarili na pakasalan si Nadine at sagot ng young actor, “it’s possible”.

Natanong si Nadine kung gaano kahusay humalik si James in a scale of 1-10 at sagot ng young actress, “10”.

Nagsigawan ang kanilang fans na nasa audience and for sure, some of them were thinking how lucky can this girl get.

Sunshine halos araw-araw nakikita ang asawang hiniwalayan

Kahit na humantong na sa hiwalayan at ngayon nga ay naghahanda na for annulment, nag-uusap at nagkikita pa rin ang estranged couple na sina Sunshine Dizon at Timothy Tan. In fact, halos araw-araw nga raw at nagkikita sila.

“We don’t fight, hindi kami nagbabastusan,” sey ni Sunshine in her latest interview.

Kwento pa ng aktres, tinatawagan din daw siya ni Tim at pinag-uusapan nila kung anuman ang kailangan ng mga bata sa school especially nga ngayon na busy siya sa taping ng serye niyang Ika-6 na Utos na kasalukuyang umeere sa GMA-7.

When asked kung masasabi ba niyang magkaibigan na sila ngayon ni Tim, ani Shine ay hindi niya alam at ayaw na niyang bigyan pa ng label. Basta ang gusto lang daw niya sa ngayon ay magkaroon ng peace of mind and move on with her life.

Samantala, sa mga susunod na eksena sa Ika-6 na Utos ay makikita na ang pagbabago sa karakter ni Shine bilang Emma. Sa kwento kasi ay babangon siya mula sa panloloko ng asawa na ginagampanan ni Gabby Concepcion at aniya, mga bandang February na raw siguro mapapanood ang malaking change sa kanyang karakter kung saan ay yayaman siya, gaganda at maghihiganti.

Pero sa ngayon daw ay makikita pa siyang maghihirap nang husto at katakut-takot na pagdurusa pa ang pagdadanaan.

vuukle comment

JAMES REID AT NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with