^

Pang Movies

True ba, kalat na? Kylie Padilla buntis daw, titigukin sa Encantadia

WORDS WORTH - Salve V. Asis - Pang-masa
True ba, kalat na?  Kylie Padilla buntis daw, titigukin sa Encantadia
Kylie Padilla

True ba na preggy si Kylie Padilla? Persistent ang rumor na umano’y nagdadalantao ang young actress kaya titigukin na lang sa Encantadia kung saan gumaganap siyang isa sa mga Sang’gre.

Ang ama ng diumano’y nasa sinapupunan niya, kung totoo ang tsismis ha, walang iba kundi si Aljur Abrenica na alam naman ng lahat ng karelasyon ni Kylie.

Ang inaabangan ay kung ano’ng magiging reaction ni Robin Padilla, ang ama ni Kylie?

Angel Locsin

Angel nagpaiksi na ng buhok, iniwasang makalbo?!

Possible nga kayang nasira ang buhok ni Angel Locsin kaya short hair na siya ngayon? Noong isang taon pa lumutang ang kuwentong nasira sa isang salon ang buhok ni Angel nang magpakulay siya.

Naglagas diumano ito kaya kinailangan niyang magsuot ng wig. Wala siyang naging sagot sa nasabing isyu. Hanggang lumutang sa Instagram account ng kanyang ‘wifey’ at ‘alleged lover’ (ayon mismo sa kanya) ang maiksi niyang hair. Pero basa at habang nasa private pool lang sila sa San Benito Farm sa Batangas.

Abangan natin kung magkakaproblema siya sa shampoo commercial niya na umano’y existing pa ang contract niya. Or baka naman puwedeng short hair din siya sa nasabing endorsement.

Anupaman ang length ng hair niya, walang kaduda-duda na bagay sa kanya at maganda siya.

 Parang mas gumaling sumayaw si Sarah Geronimo. Sa ASAP kahapon, ibang klase ang ipinakita niyang husay.

Sarah Geronimo

Balik sa dating-gawi si Sarah pagkatapos ng mahigit dalawang buwan niyang bakasyon last year.

May movie na siyang sisimulan with John Lloyd Cruz, birthday concert, new album, at babalik siya as mentor sa The Voice Teens na eere na sa April.

 

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with