1st Henry Cojuangco Cup idaraos sa Feb. 5
MANILA, Philippines - Pangungunahan ng Horse of the Year contender Low Profile at undefeated US-bred import Sakima ang star-studded group ng mga kabayo sa unang edis-yon ng “Henry Cojuangco Cup” na katatampukan ng showdown ng mga best of the best horses sa February 5 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Bukod sa Low Profile at Sakima, inimbitahan din ang sprinter na Skyway, runner-up sa Low Profile sa 2016 PCSO Presidential Gold Cup at kampeon sa Philracom “Sampaguita” Championship noong nakaraang taon at PCSO Silver Cup noong 2015; ang top money campaigner na Dixie Gold, 2015 PCSO Presidential Gold Cup winner; ang consistent performer na Kanlaon, kampeon sa 2016 PCSO kampeon sa RW Challenge of Champions’ Cup, 4th leg Philracom Import-Local Challenge at sa unang edisyon ng Hagdang Bato Cup noong 2016; giant-slayer Manalig Ka, nanalo kamakailan sa Philracom Commissioner’s Cup at kampeon sa Philracom Import-Local Challenge Races noong nakaraang taon; surprise package Silhouette, big winner ng 2016 Philracom Chairman’s Cup; at up-and-coming Lakan, wire-to-wire winner ng handicap race (HR10) noong nakaraang linggo lamang.
Ang pinakahihintay na paghaharap ng mga champions horses sa 1,750 meters ay pangungunahan ng mga kasamahan at associates ni Tarlac 1st District Representative, Enrique ‘Henry” Cojuangco, dedicated horseman at sports patron na naging inspirasyon sa horse breeding at racing industry.
Bukod sa 1st Henry Cojuangco Cup, ang grupo ni Cojuangco na “Hapi Group,” ay magdaraos din ng 11 pang added-money Trophy Races.
- Latest