^

PSN Palaro

Biyaheng finals ang Beermen

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinataob ng nagdedepensang San Miguel Beer ang Talk ’N Text, 96-83  sa Game 7 upang masikwat ang unang silya sa finals ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tinuldukan ng Beermen ang best-of-seven semifinal series tangan ang 4-3 desisyon kung saan namayani rin ito sa Game 1 (111-98), Game 4 (97-86) at Game 6 (104-88) habang nawalan ng saysay ang pinaghirapan ng Katropa sa  Game 2 (87-85), Game 3 (98-92) at  Game 5 (101-94).

Limang Beermen ang nagtala ng double figures sa pangunguna nina reig­ning MVP June Mar Fajardo na may double-double na 22 puntos at 16 rebounds at Arwind Santos na may sariling double-double na 22 markers at 13 boards.

“I know from the start na magiging tough ang series na ito dahil equally talented ang parehong team. Our starters really performed well. I sticked with our star­ters dahil posibleng huling game na namin ito kaya ibinigay na nila ang lahat,” wika ni Beermen mentor Leo  Austria.

Nagdagdag naman si Chris Ross ng 18 puntos habang may 14 si  Alex Cabagnot at 12 si Marcio Lassiter.

Ito ang ika-37 finals appearance ng Beermen.

At sa pagkakataong ito, sunod na pupuntiryahin ng SMB ang ikapitong All-Filipino title at ika-22 korona sa liga sa kabuuan.

Samantala, tunay na klasiko ang Manila Clasico sa pagitan ng Barangay Ginebra at Star Hotshots na uma­bot  sa rubber match ang kanilang  best-of-seven semifinal series.

Kaya naman ilalabas na ng Gin Kings at Hotshots ang itinatago nilang lakas para sa huling tiket sa finals.

Magpapang-abot ang Ginebra at Star sa alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kung saan inaasahang dudumugin ito ng libu-libong tagasuporta ng dalawang tropa.

Nauwi sa 3-3 pagtatabla ang serye matapos kubrahin ng Gin Kings ang matikas na 91-67 panalo sa Game 6 noong Linggo.

Mainit ang ratsada ng Ginebra sa pangunguna ni Sol Mercado na humataw ng 21 puntos katuwang si LA Tenorio na kumampay ng 19 puntos.

Solido rin ang suporta ni Joe Devance na itinarak ang lahat ng kanyang 14 puntos sa second half ng laro gayundin sina Japeth Aguilar at Jervy Cruz na may tig-11 puntos na naitala.

Sa kabila ng pagpanig ng momento sa kanila, naniniwala si Ginebra mentor Tim Cone na pantay pa rin ang laban pagdating sa Game 7.

Nakasalalay na lamang ito sa kung sino ang mas determinado, mas handa at mas may puso sa laro.

vuukle comment

BEERMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with