^

PSN Opinyon

Pakulo ni Strike vs illegal drugs

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAMPANYA laban sa droga ang tinututukan ni Cavite Rep. Strike Revilla upang mapigilan ang pagkagumon ng mga kabataan partikular sa Bacoor. Nasaksihan ko nang minsan ang kampanya ni Revilla sa jueteng, saklaan, pergalan at droga noong mayor ito ng Bacoor.  Kaya nakakatuwa isipin ang pagpursige ni Revilla na maging drug-free ang Bacoor. Sabi ni Revilla, “Nais kong suportahan ang kampanya ni President Duterte na labanan at sugpuin ang droga hindi lang sa Bacoor kundi sa buong bansa.”

May katwiran si Revilla na ipangalandakan ang kanyang magandang layunin na sugpuin ang drug addiction sa lungsod, dahil siya ang Board of Trustees ng Duterte Against Drugs (DAD). Kaya sa nasasakupan muna niya magmumula ang pagkilos. Sa layuning maisakatuparan na maingganyong sumuko ang mga gumagamit ng droga sa lungsod maglulunsad si Revilla ng Volleyball Exhi­bition games sa Marso 2 ng hapon sa Strike Revilla Gym­nasium, Molino Boulevard, Bacoor.

Ang programang pampalakasan ay lalahukan ng ilang personalidad tulad ni DILG Asec. Epimaco Densing­ III, Dangerous Drugs Board (DDB) Sec. Benjamin Reyes, at mga artistang Jackie Aquino, Jaycee Parker, Ynez Vene­racion, Glydel Mercado at maraming pang iba. Siyempre hindi matatapos ang programa kung walang mapapa­ligaya si Revilla dahil bukod sa libreng bonding sa mga artista nagpahanda rin ng bonggang tsibugan.  Birthday celebration lang naman ni Revilla kaya sabay-sabay na ang lahat. Mga suki ko sa Bacoor, tulungan ninyo si Revilla sa kanyang programa upang ang inyong lungsod ay lalong umasenso.

* * *

Nagbago ang listahan ng mga pulis na ipapadala sa Basilan at Jolo. Ayon sa sumbong sa akin, may ilang pulis na original na nakalista ang naiwan sa Metro Manila. Bakit kaya nagkaganoon? Ang ibig bang sabihin nito nagkaroon nang ayusan o hokus-pokus sa mga pulis na naipresenta kay Pres. Rodrigo Duterte? Paano pa maniniwala ang madlang people kung may katotohanan ito na ang ilang PNPA ay na-reassign lang sa ibang district headquarters. MPD director C/Supt. Jigs Coronel sir, pakirepaso ang reklamong ipinarating sa akin tungkol sa pagbabago ng mga listahan ng mga “scalawag” na pulis. Kasi kung naglagatukan man ang ngipin ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa nang iharap kay Duterte ang 370 scalawags, aba’y dapat siyang mag-tsek dahil hindi naman pala nasunod ang listahan. May palakasan kayang nangyari sa kanyang liderato? Abangan!

 

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with