^

PSN Opinyon

Comelec mapipilitang bilhin 97,000 inupahang makina

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAPIPILITAN ang Comelec bilhin, miski hindi kailangan, ang 97,366 voting machines na inupahan nito para sa May 2016 elections. Gagasta nang walang kapara­rakan ang Comelec ng P2,078,304,225.76 para bilhin ang mga makina. Dagdag ito sa P8 bilyon na iniluwal na nito para sa upa sa mga makina. Ang sapilitang pagbili ay dahil pumalya ang ahensiya sa pagsoli ng mga makina sa tak­dang araw.

Sa kontrata ng Comelec sa pag-upa ng 97,366 voting­ machines mula sa Smartmatic Corp., merong kundisyon na “considered sold” ang mga units. Ito’y ang Section 6.9, na nagsasaad na dapat isoli ng Comelec ang mga makina matapos gamitin ito sa Halalan 2016. Ang deadline sa pagsoli ay Dec. 1, 2016. Kaso, walang naisoli ang Comelec, kaya sinisingil na sila ng Smartmatic, kumpan­yang Venezuelan.

Naipit ang mga makina sa bodega ng Comelec dahil sa dalawang protesta sa resulta ng halalan. Dinidinig ng Presidential Electoral Tribunal ang angal ni Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo para Bise Presidente. Nakasalang sa Senate Electoral Tribunal ang protesta ni Francis Tolentino laban kay Leila de Lima.

Maaaring isingil ng Comelec kina Marcos at Tolentino ang mahigit P2 bilyong halaga ng sapilitang pagbili ng makina. Pero kung biglang iatras ng dalawa ang kani-kanilang protesta, maiiwan mag-isa ang Comelec sa pagbayad. Pera ng taumbayan ang mawawaldas.

Inuusisa ng mga abogado kung bakit pumirma ang Comelec sa gan’ung palugi na kontrata. Mga abogado pa naman ang chairman at anim na commissioners, pero napaglalangan ng dayuhan. Bakit?

Nauna dito, bumili rin ng 86,200 voting machines ang Comelec mula sa Smartmatic para sa 2010 at 2013 elections. Halaga ay P9 bilyon. Pero dagdag pa rito ang P5 bilyon para sa accessories, at sa pagbodega nang P400 milyon kada taon. Napaglumaan na lahat ito.

Ngayon P500 milyon ang halaga ng pagbodega sa 97,366 makina.

 

vuukle comment

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with