^

PSN Opinyon

3rd Public Installation of Muntinlupa City Lodge No. 414

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NGAYON araw, alas - 9 ng umaga, ang Ikatlong Public Installation of elected at appointed officers ng Muntinlupa City Lodge No. 414, sa Muntinlupa Masonic Temple, Emerald Hills, Victoria Homes Subd., Tunasan, Muntinlupa City.

Kaya naman ipinaalala ni VW Biyong Garing sa mga brethren at mga pamilya ng iba’t-ibang Masonic Lodges sa Philippines my Philippines na dumalo sa nasabing okasyon.

Ika nga, huwag mahihiyang pumunta at manood nito.

Ayon kay VW Biyong, ang mga bago at magigiting na opisyal ng MCL No. 414 na babasbasan para umupo ngayon araw ay sina WM - Elect Bro. Edwin L. Dimatatac, Senior Warden - Elect Bro. Wilfredo M. Magpantay, Junior Warden - Elect Bro. Renato M. Morano, Treasurer VW Edgardo M. Magpantay, (PDGL), Secretary VW Rodolfo A. Canido (PDGL), Auditor VW Raymundo L. Noble(IPM), Chaplain VW Restituto M. Alcantara (PM), Marshall VW Norman T. Tagum(SGD), Senior Deacon  VW Irwin R. Dacanay(PM), Junior Deacon Bro. Ryan Calvin G. Morga, Senior Steward Bro. Erwin P. Erfe, Junior Steward Bro. Leonardo B. Mella, Almoner VW Edgar E. Casals(PM), Lecturer VW Hernani B. Lopez (PDDGM), Organist VW Perfecto R. Luces(PM), Tyler VW Antonio M. San Luis Jr.,(PDDGM) at Harmony Officer VW Silverio ‘Biyong’ R. Garing (PDDGM).

Ang Installing Officer ay si VW John B. Llamas (PSGL), Master Ceremonies - VW Antonio M. San Luis(PDDGM) at Assistant Master of Ceremonies - VW Restituto M. Alcantara(PM).

Ipinagmalaki ni VW Biyong, na sina Muntinlupa City Mayor Jaime R. Fresnedi ang Inspirational Speaker ngayon ng mga opisyal ng Muntinlupa City Lodge No. 414 Masonic year 2017 - 2018 at si Atty. Persida V. Rueda-Acosta, Chief Public Attorney’s Office(PAO) ang Guest of Honor at Speaker.

Ayon kay VW Biyong, dapat tapusin ng mga dadalos ang special occassion dahil hindi biro ang inihanda nilang mga putahe, inumin, at programa.

Sabi nga, kakanta si VW Biyong?

‘Ano pa ang mga inaantay ninyo mga brethren punta na! sabi ng ku­wagong SPO - 10 sa Crame.

Educational tour, field trip o excursion

DEHINS na mandatory ang field trips, excursion o educational tour at hindi rin dapat matakot ang mga students porke hindi ito bantayan este mali batayan pala para sa kanilang grades.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, muling kinalkal ang usaping ito dahil sa nangyaring disgrasiya sa isang tourist bus dyan sa isang place sa Tanay Rizal, the other week.

Ika nga, hindi biro ang kinuha ni Lord at mga sugatan na students sa aberyang nangyari.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa pangyayaring ito katakot-takot ang sisihan.

Ika nga, naging talk of the Philippines my Philippines ang isyu kaya naman biglang pumasok agad ang CHED at DepEd para magtatalak tungkol sa nangyari at ano ang naging policies nila sa educational tours noong mga naghandaan este mali nagdaan palang panahon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa grabeng pangyayari pati mga mambabatas ay magga-grandstanding este mali kakalikutin pala at hihimay-himayin ang mga pangyayari todits.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga policies na pala na nagbabawal na gawin ang mga field trips sa malalayong lugar, sa mga TV shows at mga malls.

Bakit?

Sagot - bukod sa magastos ang safety measures ng mga students ang dapat pangalagaan.

‘Paano ngayon nagkaroon ng aksidente?’ tanong ng kuwagong haliparot.

Ika nga, walang may gusto nito!

‘Sangkaterbang mali ang nakita kaya ito dapat ang aksyunan hindi lamang nang mga schools kundi pati mga sasakyan inupahan.’ sabi ng kuwagong magikero.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat bago gawin ang mga educational tours ng mga students kailangan munang may teacher - parent conference.

Ika nga, tignan ang klase ng mga sasakyan inarkila dapat iksaminin ito mabuti kung gumagana ang mga preno, bagong gulong, may gasolina at hindi sila ititirik at ang pinakamahalaga sa lahat dapat may certification ang driver ng bus at konduktor nito, na hindi sila gumamit ng bawal na gamot o lasing sa biahe ng mga estudiante para mag-piknik.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ngayon ay may moratorium tungkol sa usapin ng educational tours pero may mga sektor na nagtutulak na i-ban na ito ng tuluyan.

Sabi nga, para iwas gastos at iwas disgrasiya pa!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang educational tours, excursion o field trip ay gustong -gusto ng mga students dahil masaya ito, may bonding sila, experience sa lugar na pupuntahan, may makikitang bago, may matututunan at may masarap na mga baon para pagsalu-saluhan.

Kambiyo issue, sa pangyayari sa Tanay regarding sa field trips ng mga students nakikiramay ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pamilya ng mga namatay at sa mga nasaktan magpagaling at magpalakas kayo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ang mga nasaktan bago pumirma sa mga liabilities ng company dapat muna silang magpa-check up ng husto, magpa-CT scan o MRI para makita ang kaloob-looban ng kanilang mga ulo at katawan para balang araw ay hindi sila magka-problema.

Abangan.

Rommel del Prado, 45

NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO,  sa pagkamatay ni Rommel, ang anak ni Grande del Prado, kaibigan, kabaro at beat reporter sa CAMANAVA.

Sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Rommel  nakikidalamhati tayo sa kanila.

Sabi nga CONDOLENCE!

vuukle comment

PUBLIC INSTALLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with