^

Punto Mo

Parekoy (88)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
Parekoy (88)

Wimbledon men’s and women’s singles champions, Switzerland’s Roger Federer (left) and Spain’s Garbine Muguruza posing with their trophies at the Champions Dinner in central London. AFP

NANG maubos ni Sarah ang huling bottle ng Oleic Juice ay noon din nagsabi si Lino sa mga ma­gulang nito na handa na niyang pakasalan si Sa­rah. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Gusto na talaga niyang maidaos ang kanilang kasal.

Walang tutol ang magulang ni Sarah. Botong-boto sila kay Lino.

“Karapat-dapat ka kay Sarah, Lino,” sabi ng ama.

“Walang makakatulad sa ginawa mong pagsasakripisyo para mapagaling lamang ang aming anak. Pambihira ka sapagkat iti­naya mo ang iyong buhay para kay Sarah. Tinatanggap ka namin Lino para kay Sarah.’’

“Salamat po. Mamahalin ko po nang labis si Sarah.’’

‘‘Salamat Lino. Napakabuti mo.’’

‘‘Pag-uusapan na po namin ni Sarah ang araw ng aming kasal pero kung maaari ang gusto ko ay sa Dis­yembre para masaya. Gusto ko magkasama na kami ni Sarah sa pagdiriwang ng Pasko.’’

‘‘Aba maganda ang plano mo, Lino. Palagay ko, papa­yag si Sarah sa gusto mo. Sige kayong dalawa na ang mag-usap.’’

Tumayo ang ama’t ina ni Sarah at nagtungo sa kuwarto.

Si Coleen ay nasa kuwarto ni Sarah at nagpapahinga.

Nagkasarilinan sila ni Sarah.

“Magaling na magaling na ako, Parekoy. Wala na akong nararamdamang sakit sa katawan. Pakiramdam ko, malakas na malakas ako.’’

“Kasi nga naubos mo lahat ang pitong bottle ng Oleic Juice. Iyon kasi ang instruction --- para lubusang gumaling ubusin ang pitong bottle.’’

“Salamat uli Parekoy. Alam ko ang pagsasakripis­yo mo para gumaling ako.’’

“Okey ba sa’yo na December tayo pakasal?’’

“Oo naman. Gusto ko talaga ang month na iyon dahil Pasko.’’

“Gusto ko, magkasama na tayo sa Pasko.’’

“Ako rin Parekoy.’’

“Wala na naman tayong problema kaya walang makakapigil sa kasal natin.’’ (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with