^

Probinsiya

Suspek sa pulis slay at testigo, itinumba

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines  - Patay ang 40-anyos na lalaking iniuugnay sa pagpatay sa pulis at isang saksi matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang kalalakihan sa Tanauan City, Batangas kamakalawa.

Kinilala ang napatay na si Michael Carandang ng Barangay Darasa at sinasabing pangunahing suspek sa pagpatay kay SPO1 Wilfredo Luna at testigong si Jose Madrigal Nepomuceno.

Batay sa talaan ng pulis­ya, si Carandang ay kabilang sa high value target dahil sa mga kasong droga at illegal na baril.

Ayon sa police report, sakay ng Toyota Corolla (THM-555) ang biktima habang nakaparada sa kaha­baan ng Castillo Street sa Barangay 5 nang biglang la­pitan at ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki na lulan ng puting kotse na may plakang TKD-528 bandang alas-3:30 ng hapon.

Isinugod pa sa ospital si Carandang pero idineklarang patay sa emergency room.

Narekober naman sa bulsa ni Carandang ang cal.45 pistol at dalawang plastic sachet na shabu.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with