Masamang Bisyo ni Misis
Dear Vanezza,
Hiyang-hiya ako sa kumare namin ng misis ko. Kung anu-anong ginagawang kuwento ng misis ko tungkol sa amin dalawa ni kumare. Nagpapagawa ng bahay ang kumare namin. Natural kaming dalawa lang ang naiiwan sa bahay nila dahil single mother siya. Sa araw ay pumapasok sa eskuwelahan ang mga anak niya. Malinis ang konsensiya ko na wala kaming ginagawang masama. Wala rin kaming relasyon ng kumare namin tulad ng sinasabi ng misis ko. Ito ang masamang bisyo ng misis ko na laging gumagawa ng kuwento. Paano ko ba mapipigilan ang tamang hinala ng misis ko? – Bong
Dear Bong,
Patunayan mo kay misis na wala siyang dapat ipag-alala para maging panatag ang kanyang pag-iisip. Huwag mong sisirain ang pagtitiwala niya sa iyo. Tulungan mo siyang maging busy nang hindi siya nag-iisip ng masama tungkol sa iyo. Isama siya sa iyong trabaho kung malapit lang sa inyo, para patunayan ang malinis mong kunsensiya.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest