^

Police Metro

Resolusyon ni Rep. Alejano ‘double edged sword’

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inupakan ni Isabela Rep. Rodito Albano si Magdalo partylist Rep.Gary Alejano sa ihahain nitong resolusyon na isang “double edged sword” dahil inilulubog nito ang bawat isang kasamahan at pinag-aaway ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Anya, kung walang ebidensiya si Alejano na magpapatunay na nagkaroon ng suhulan sa Commission on Appointments (CA) para ilaglag si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ay ipakakain nito ang kanyang resolusyong ihahain nito.

Paliwanag ng kongresista, alam naman ni Alejano na karamihan sa miyembro ng CA ay pawang kasamahan sa Kamara at pro- administration na galing sa supermajority kaya ang nangyayari umano ay pinipilipit nila laban sa presidente.

Kaya umano ‘double edged sword’ dahil kahit ano ay si Alejano pa rin ang mananalo dahil sa kanyang resolusyon kaya nagpahayag na rin siya na “they are more clever than the devil” na ang sinasabihan ay ang kapwa kongresista.

Iginiit pa ni Albano na mistulang sinusulsulan ni Alejano ang pangulo na hindi na lamang ito pinapansin subalit kailangan din umano siyang maglabas ng ebidensiya laban sa kanyang paratang sa mga miyembro ng CA kung maghahain siya ng reklamo sa ethics committee.

Banta naman ng mambabatas, kung maghahain si Alejano sa ethics committee laban sa mga miyembro ng CA ay dapat itong maglabas ng ebidensiya kung sino ang nasuhulan at kung hindi ay sila naman ang magbabalik sa kanya ng reklamo sa naturang komite.

vuukle comment

RODITO ALBANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with