^

PSN Showbiz

Pauleen, pagbubuntis na ang aatupagin!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mas natutuwa kami para kay Pauleen Luna na magbubunga na ang pagmamahalan nila ni Vic Sotto. Marami na kasing anak si Vic, pero si Pauleen ay ngayon lang. Mahigit isang taon nang mag-asawa ang dalawa, pero nu’ng Sa­ba­do lamang sinabi ni Bossing ang pagbubuntis ng kanyang misis.

Malalaki na’t pamilyado ang mga nauna niyang anak na sina Oyo Sotto at Danica Pingris maliban kina Vico Sotto na wala pang asawa at Paulina Sotto na kakakasal lang.

Panganay nila ang ipinagbubuntis ni Pauleen. Marami ang naniniwala na ma­ba­ba­wasan na ang appearance ni Pauleen sa Eat Bulaga. Siyempre, gugustuhin nila ni Vic na maging safe ang pregnancy niya.

Sandara hoping na mabubuhay ang Star Circle

Nasa bansa muli si Sandara Park para i-promote ang pelikula niya sa Korea na ipalalabas din sa bansa. Habang gumagawa ng promos­yon ng movie niya ay umaasa ang Korean star na mabigyan din ng panibagong assignment tulad ng pagiging judge sa Pinoy Boyband Superstar.

Umaasa siyang magkaroon ito ng season 2 bagaman at kung mangyayari ito ay siguro hindi pa ngayon dahil kasalukuyan pang pina-aangat ang karera at kasikatan ng limang kabataan na napili para bumubo ng banda. Maganda nga kung magkakaroon uli ng Star Circle Quest at maging judge siya dahil dito naman siya nadiskubre.

Jodi sa bahay lang mag-aaral?!

Matagal nang gustong balikan ni Jodi Sta. Maria ang kanyang pag-aaral, pero talagang hindi siya makakita ng pagkaka­taon at mabig­yan ng panahon para gawin ito. Nu’ng hindi siya gaanong abala sa paggawa ng pelikula at teleserye sa TV ay abala naman siya sa pangangalaga at pagpapalaki sa kanyang anak na si Thirdy. Ngayong malaki na ito at maari nang iwan sa pangangalaga ng iba ay siya naman ang sunud-sunod ang proyekto.

Pero more than ever ay ngayon  niya naiisip na ipagpatuloy ang kanyang pangarap na pagdu-doktor. Kaya nga naghanap siya ng programa para maisagawa ang pag-aaral niya ng medisina. Nakakita naman siya ng isang magandang home study prog­ram. Malamang kapag na­ging matagumpay siya rito ay magsilbi siyang inspirasyon sa ma­raming nanga­ngarap ding makapagtapos ng pag-aaral, pero mara­ming mas prayoridad sa buhay.

Hindi naman siya 100% na ma­ka­katapos ng medisina sa loob lamang ng kanyang bahay. Kakaila­nganin niyang lumabas at magpraktis sa ospital.

Hindi lamang naman puro libro ang pagdu-doktor, kailangan din niyang sumailalim sa internship. Hindi niya magagawang mag-shooting o mag-taping sa pa­nahong ito kaya marami siyang maisasakripisyo, malaking pera ang kanyang pakakawalan na kakailanganin din sa pag-aaral.

Siguro naman ay nakapag-ipon na siya nang husto para sa pansamantalang pagtigil niya sa kanyang pag-aartista para lamang maging ganap na doktor.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with