^

PSN Palaro

Alvarez dinomina si Chavez sa kanilang non-title, 12-round catchweight fight

Pilipino Star Ngayon

LAS VEGAS, Nevada - Dinomina ni Saul “Canelo” Alvarez si Julio Chavez Jr. sa pamamagitan ng una­nimous decision victory sa T-Mobile Arena.

Ginamit ng 26-anyos na si Alvarez ang 31-anyos na si Chavez bilang target practice kung saan siya na­kakonekta ng mga jabs, hooks at combinations sa ka­nilang 164-pound (75 kg) fight.

Binuska si Chavez, nag­dala ng four inch (10 cm) height advantage, sa bawat round hanggang matapos ang nasabing la­ban.

Itinuring ni Alvarez ang laban niya kay Chavez bi­lang isang sparring session sa gym.

Hindi siya umupo sa ka­buuan ng bakbakan.

Nakakonekta si Alvarez ng 228 punches kumpara sa 71 ni Chavez, anak ng pa­mosong Mexican boxing champion na si Julio Cesar Chavez Sr.

Pinaganda ni Alvarez, ang kasalukuyang World Bo­xing Organization light middleweight champion, ang kanyang win-loss-draw ring record sa 49-1-1.

Ang tangi niyang kabiguan ay nagmula sa mga kamao ni Floyd Maywea­ther, Jr. noong 2013.

Walang pinaglabanang ko­rona sina Alvarez at Cha­vez sa kanilang catchweight na 164lbs fight.

Bago pa man ang sun­tu­kan ay tumayo nang pa­borito si Alvarez na kanyang pinatunayan sa pagbugbog kay Chavez.

Dumugo ang ilong ni Chavez sa fifth round at sa final round ay halos mag­sara ang kaliwang ma­ta nito.

vuukle comment

SAUL “CANELO” ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with