^

Probinsiya

4 Abu Sayyaf bulagta sa militar

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines – Apat na miyemb ro ng teroristang Abu Sayyaf Group ang napatay sa magkahiwalay na sagupaan laban sa tropa ng military sa bayan ng Sumisip sa Basilan noong Sabado.

Sa ulat na nakarating kay Western Mindanao Command spokesperson Capt. Joann Petinglay, unang nagkasagupa ang mga sundalo at grupong Abu bandang alas-2 ng hapon sa bahagi ng Barangay Upper Benengbengan at sinundan ito bandang alas-9 ng gabi sa Barangay Cabcaban.

Wala pang pagkakakilanlan sa apat na teroristang napatay habang wala namang namatay sa tropa ng militar.

Bukod dito, nakubkob din ng militar ang pinagkukutaan ng grupong Abu Sayyaf.

Bineberipika pa ng militar kung kaninong grupo ng Abu ang nakalaban ng mga tropa ng 4th Special Forces Batta­lion at 18th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Tinutugis naman ng mga sundalo ang ilan pang tero­rista na tumakas habang mas hinigpitan din ng militar ang seguridad sa nasabing lugar at nagtalaga na rin ng mga checkpoints sa mga posibleng entry at exit points.

vuukle comment

JOANN PETINGLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with