^

Para Malibang

Pangalawang Anino (72)

Gilda Olividado - Pang-masa

 HIYANG-HIYA si Roger sa kabaitan ng kanyang mga anak kay Sheila. Naging pabaya siyang ama pero kinakalinga siya ng mga ito.

“Maraming salamat ...”

“Sige ho, magpahinga lang muna kayo dito sa silid. Mamaya ho hahatiran kita ng pagkain.” Magalang na sabi ni Nanette sa ama.

Nakatulog si Roger pero may gumising sa kanya.

Si Yawan.

Napabalikwas ng bangon si Roger. “Ano’ng ginagawa mo dito? Paano kang nakapasok? Sinaktan mo ba sila? Si Sheila, si Nanette ...”

“Hindi sila ang sasaktan ko ... ikaw!”

At sinakal ni Yawan si Roger tulad ng gustong mangyari ni Tagapag-alaga. Papatayin niya ang kanyang ama para lumakas ang tiwala sa kanya ng demonyo.

At dadagdagan sila ng kapangyarihan ng kanyang pangalawang anino para kaya na nilang matalo ang banal na tubig ni Inang Maria.

“Huwag!” May sumigaw.

Nakapasok si Nanette at kitang-kita niya na sinasakal ni Yawan ang kanilang ama.

Ang pangalawang anino ay natakot nang makita si Nanette. Nalalanghap niya ang kapangyarihan ng banal na tubig mula sa katawan ni Nanette.

Galit na napalingon si Yawan kay Nanette. “Wala kang pakialam kahit ano pa ang gagawin ko sa kanya! Wala siyang kuwentang ama sa akin!”

“Wala kang karapatang gawin ‘yan!” Nakalapit si Nanette at mula sa hawak na bukas na bote ng tubig na banal, winisikan niya si Yawan.

Napaigtad sa sakit si Yawan.

“AHHHHHHH! Walanghiya ka talaga! Papatayin din kitaaa!”

“Hindi pa ngayon. Hindi mo kami mapapatay o masasaktan! Hangga’t mas makapangyarihan ang banal na tubig!

Wala kang pahintulot na pumasok dito sa pamamahay namin kaya ano man ang mangyayari sa iyo ay wala kaming pananagutan!”

Patuloy sa pagwiwisik ng tubig na banal si Nanette kay Yawan.

Hindi na nakaya ni Yawan ang sakit, tumakbo na ito palabas. Ang kanyang pangalawang anino ay kanina pa nakatakas.

Malayo na si Yawan sa bahay nina Sheila nang lumapit sa kanya ang pa­ngalawang anino.

“Walanghiya ka, Yawanaya! Pinabayaan mo ako, iniwan mo ako! Nauna ka pang tumakas sa akin! Ano, patatalo na lang ba talaga tayo, ha?”

ITUTULOY

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with