^

Bansa

Lupa ng oligarchs ipamimigay sa mahihirap

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Lupa ng oligarchs ipamimigay sa mahihirap
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay ng naging pahayag ng Pangulo na uutusan niya ang sambayanang Filipino na okupahan ang mga lupaing pag-aari ng mga ito.
PPD/Release

MANILA, Philippines - Seryoso umano si Pangulong Duterte sa kanyang banta sa mga oligarchs na hindi nagbabayad ng buwis na kakamkamin ang kanilang mga lupain para ipamigay sa mahihirap.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay ng naging pahayag ng Pangulo na uutusan niya ang sambayanang Filipino na okupahan ang mga lupaing pag-aari ng mga ito.

“I will ask the Filipino people to occupy the land that’s in your hands,” sabi ng Pangulo.

“Sumobra na kayo, sa totoo lang. This has to stop,” batikos pa ng Pangulo sa mga oligarchs.

Magugunita na binatikos ni Pangulong Duterte ang mga oligarchs sa kanyang Labor Day message mula sa Davao City dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa gobyernoi.

Wika ni Duterte, hihilingin niya sa samba­yanang Filipino na okupahan ang mga lupang pag-aari ng mga oligarchs na ito kapag hindi nagbayad ng tamang buwis sa gobyerno sa loob ng 3 buwan.

“It is only a warning. He will take certain steps to make sure that the erring parties will respond. President is serious to the matter that government properties need to be returned,” sabi naman ni Abella.

Ani Abella, nagbigay lamang ng babala si Pa­ngulong Duterte sa mga tax evaders at tax cheaters ng sabihin nitong papaokupa niya sa sambayanang Filipino ang mga lupaing pag-aari ng mga oligarchs na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

vuukle comment

ERNESTO ABELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with