^

PSN Showbiz

Kim at Gerald patok sa tanghalian

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumatok sa manonood sa buong bansa ang masayang back-to-back na pananghaliang inihahain ng ABS-CBN na Ikaw Lang ang Iibigin at ng pamilya ng It’s Showtime matapos pareho itong manguna sa national TV ratings noong Lunes (May 1).

Inabangan ng husto ang balik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa telebisyon matapos magkamit ang bago nilang seryeng Ikaw Lang ang Iibigin ng national TV rating na 17%, ayon sa datos ng Kantar Media. Naging usap-usapan din ang serye sa social media matapos manguna at umani ng libo-libong tweets ang official hashtag ng palabas na #ILAIWorldPremiere.

Samantala, hindi naman nagpahuli ang saya at katatawanang hatid ng It’s Showtime matapos nitong magkamit ng national TV rating na 16.3. Tinutukan din ng netizens ang good vibes na dala ng palabas matapos mag-trend sa Twitter ang official hashtag ng palabas na #ShowtimeHappyLaborDay.

Bagong sorpresa din ang inihandog ng It’s Showtime sa pagbubukas ng Mayo sa bago nitong segment na Weight Lang, kung saan dapat mahulaan ng piling madlang people ang timbang ng mga pang-araw-araw na gamit. Ang makakahula ng tamang timbang ay mag-uuwi ng P20,000.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with