^

PSN Showbiz

Heart nag-react na sa away nila ni Marian!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagti-taping na uli si Heart Evangelista ng Mu­lawin vs. Ravena dahil nag-post ito ng picture na naka-costume siya. Kaya lang, nakaupo ang aktres at nakatagilid, hindi tuloy makita kung ang bagong costume na ang suot nito at hindi ang dating costume na inalmahan ng kanyang fans at non-fans dahil para raw siyang nakalampin.

Sa May 22 na ang pilot ng Mulawin vs. Ravena at isa sa inaabangan ang paglipad ni Alwina (Heart). Nabanggit minsan ni Dennis Trillo na may mga eksena na si Heart na nasa harness ito at wala raw itong reklamo kahit masakit ang pagsusuot ng harness.

Samantala, reaction nga kaya ni Heart sa walang katapusang isyung kompetensya raw nila ni Marian Rivera ang pinost nitong quotation mula kay Zen Shin na “A flower does not think of competing with the flower next to it. It just blooms.”

Ryan, Juday at DongYan may double date sa Italy!

Parang magkikita sa Italy ang couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos and Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa separate interview, nabanggit ni Judy Ann at Marian na dadalo sila sa kasal ng stylist nila sa Italy. Hindi lang nabanggit ng dalawa kung saan sa Italy at kung sinong stylist nila ang ikakasal.

Kung sina Dingdong at Marian ay dederetso sa Spain after the wedding para makita na ng ama ni Marian ang apo nitong si Zia, tiyak may plano rin sina Ryan at Judy Ann bilang selebrasyon pa rin sa kanilang 8th wedding anniversary.

Nabasa ng fans ang post ni Ryan na. “One of my greatest achievements

so far is getting the same woman to marry me twice. yay! Di siya nadala. One of the best perks is that we get one but two awesome videos. #happy8thanniversarybub.”

Post naman ni Judy Ann: “I love you bub! And yes...i’ll marry you again and again...(hanggang mapuno ng singsing tong mga daliri ko.).”

MTB extended pa

Sixteen weeks lang ang original run ng Meant To Be pero extended ito hanggang June.

Kilalang-kilala ngayon sa pangalan ng karakter nila sa show sina Barbie Forteza at leading men nitong sina Jak Roberto, Ian Dorschner, Addy Raj at Ken Chan. In-acknowledge ng GMA-7 ang popularidad ng show at ng cast dahil ang apat na leading men ni Barbie ay kasama sa summer special ng network na pinamagatang 3 Days of Summer. Makakasama rin nila sina Gabbi Garcia, LJ Reyes at Paolo Contis. This May sa SNBO time slot ang airing nito.

Tom tuloy ang pagluluksa sa ama

Ang lakas makalungkot ng video ni Tom Rodriguez sa Instagram (IG) na kumakanta ng Old Man ni Neil Young habang may suot na cowboy hat. Nakayuko si Tom sa simula ng video at pag-angat ng mukha, makikitang may luha sa kanyang left eye.

Pinost lang ni Tom ang ilang lines ng song, pero sa hitsura pa lang niya, alam mong in pain pa rin sa pagkamatay ng ama.

Naalala naming may pinost siyang picture ng ama noong buhay pa na naka cowboy hat at kaharap ang mga alagang kabayo. Nabanggit din nito minsan ang mga plano niya sa ama at sa ina na rin, parang hindi na matutuloy ‘yun dahil wala na nga ang ama.

Samantala, this Wednesday naka-schedule ang first taping day nina Tom at Carla Abellana ng I Heart Davao sa Davao mismo. Hanggang May 20 sila roon at tatapusin ang lahat ng eksena sa Davao. Bukod sa I Heart Da­vao, mapapanood din sina Tom at Carla sa Mulawin vs. Ravena.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with