^

Bansa

‘Endo wawakasan ko, pangako tutuparin ko’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Endo wawakasan ko, pangako tutuparin ko�
Siniguro kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa libu-libong workers na dumalo sa Labor Day na ginanap sa Peoples Park sa Davao City na tutuparin niya ang kanyang pangakong wakasan ang ‘endo’.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines - Siniguro kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa libu-libong workers na dumalo sa Labor Day na ginanap sa Peoples Park sa Davao City na tutuparin niya ang kanyang pangakong wakasan ang ‘endo’.

“I stand firm in my conviction to end endo. Give us more time , to end contractualization,” pangako ni Pangulong Duterte sa mga manggagawa.

Bago humarap sa libu-libong manggagawa si Duterte ay pinulong muna nito ang mga labor represenatives kasama si Sec. Salvador Bello lll at iba pang labor officials.

Kasunod nito ay binatikos naman niya ang mga oligarchs na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Aniya, uutusan niya ang mga Filipino na okupahin ang pag-aaring lupain ng mga oligarchs na ayaw magbayad ng buwis sa gobyerno.

?”If you dont give back the money to the government, then I will ask the Filipino people to occupy your lands,” wika pa ni Duterte.

Batay naman sa ini­labas na Labor Day message ni Pangulong Duterte, sinabi nitong kinikilala ng kanyang gobyerno ang mga karapatan ng mga manggagawa gaya ng karapatan sa makataong pamamalakad, sapat na sahod, organisadong pagkilos kasama ang kolektibong pakikipagkasundo, pagbuo ng unyon at kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin.

Ayon sa Pangulong Duterte, sinisikap ng Department of Labor and Employment katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa paglikha ng libu-libong trabaho sa loob ng bansa.

Iginiit ng Pangulo na ang bunga ng paggawa ay nararapat na maibahagi nang patas sa lahat ng nakikilahok sa tunay na pagbabago kasabay ng panawagang magtulu­ngan upang lalong mapagtibay ang pundasyon para sa mas payapa at progresibong Pilipinas.

vuukle comment

ENDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with