^

Pang Movies

Kim may napatunayan sa pagtakbo!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Proud si Kim Chiu sa kanyang sarili na napatunayan niyang kaya niya palang maging athlete sa kabila ng kanyang fragile looks at slim figure.

Sey nga niya, maaaring lalampa-lampa siyang tingnan pero malakas siya at napatunayan nga niya ito nang makaya niyang tumakbo at take note, sumali pa sa duathlon race.

“So, trinay ko rin (ang duathlon), ginawa ko siya actually. Except ‘yung swimming. Kasi natatakot akong mag-swim-swim na maraming kalaban, ‘yung ganu’n. Pero kaya ko namang mag-swim.

“Pero ginawa ko po  ‘yung duathlon, nakatapos po ako ng isang duathlon, saka ‘yung run, nag-run na po ako ng 10, 16, 21K, natatapos ko naman po siya, hindi naman po ako nalampa do’n.

“So, nagawa ko po siya, parang in-imbibe ko na rin ‘yung character ko (sa Ikaw Lang ang Iibigin), tiningnan ko rin sa sarili ko kung magagawa ko. Pero ‘yun, nagawa ko. Na-prove ko sa self ko na kaya ko pala ‘yung role ni Bianca (karakter niya sa ILAI),” pahayag ni Kim.

Just last Sunday lang ay tumakbo si Kim ng 21K sa NatGeo Earth Day Run na ginanap sa Mall of Asia grounds na natapos niya nang bonggang-bongga kaya naman nagkamit siya ng medalya na ipinost pa niya sa kanyang Instagram account.

“Masakit pero worth it,” sambit pa ni Kim.

Eere na simula sa Lunes ang Ikaw Lamang ang Mamahalin, ang balik-tambalan nila ni Gerald Anderson, bago mag-Showtime.

Anak ni Paolo naging pangontra  sa basher ng Valenciano family

Bilang panganay, karamay si Paolo Valenciano ng kanyang mga kapatid na sina Gab and Kiana sa lahat ng bagay na dumadating sa buhay ng mga ito, be it success or intriga or problema man.

As we all know, dumaan si Gab sa matinding pagsubok last year nang mahiwalay ito sa misis na si Trisha Centenera at maakusahan ng kung anu-ano.

Sa ngayon ay nagdesisyon na si Gab na bumalik na talaga ng ‘Pinas at suportadung-suportado ni Paolo ang desisyong ito ng kapatid.

“I’m glad that he’s back with us,” sabi ni Paolo nang makapanayam ng entertainment press.

“You know, I think, family influence is very important and you know, a lot has happened in the past, but I keep telling my family that this is the version of Gab that I love the most. He’s changed for the better and you know, no matter what happens we’re going to be here talaga for him.

“And I’m glad that you know, we see him now as compared to before that we would never see him.”

Si Kiana naman, recently ay dumaan din sa intriga nang ma-bash siya ng fans because of her closeness with James Reid and Nadine Lustre.

Ano naman ang masasabi ni Paolo tungkol dito?

“These are wise words from Bamboo, what he told me before. He said, kung naba-bash ka, that means you’re doing something right. He said that to me, and after that, I was like, ‘okay’. So when I see things online about her, about my brother, that means, you know. . .

“Kahit ano’ng gawin mo naman, maba-bash ka, eh, ‘di ba? So you just have to live with it,” pahayag ng anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

But kahit may mga intrigang nararanasan, ang talagang nagpaliwanag daw ng mundo nila ay ang pagsilang ng isang anghel sa pamilya – ang baby girl nila ng asawang si Samantha na isinilang noong November last year.

“It’s nice kasi ever since she was born, nag-iba na rin ang vibes sa fa­mily namin. There was a lighter vibe in the family, lahat ng issues namin, nakakalimutan na. ‘Yun, ‘yung mga bashers, whatever, ‘pag nandiyan na ‘yung baby, good vibes na lahat.

“So, that was the nice thing and I think, my family really needed her. I needed her,” natatawang sabi ni Paolo who is directing his father’s Finale Season of Gary V. Presents na gaganapin on May 12, 13, 19 and 20 sa The Theatre, Solaire.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with