^

Police Metro

14-anyos patay sa concert sa iskul

Joy Cantos - Associated Press

MANILA, Philippines -  Nabahiran ng trahedya ang isang masayang concert sa gymnasium ng isang eskuwelahan  matapos   na  barilin sa ulo  ang isang 14 -anyos na binatil­yong estudyante ng isang  pasaway na  miyembro  ng peace and order security sa bayan ng Lagawe, Ifugao nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Cordillera Police, idineklarang dead on arrival sa Natulowan Hospital ang biktimang kinila­lang si Ethan Ryo Sia sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanang bahagi ng kaniyang ulo.

Arestado naman ang suspek na si Michael Dinamling, 45, na miyembro ng Public Order and Safety Committee (POSC)  sa nasabing bayan.

Sa ulat ng Cordillera Police , naitala ang insidente sa isang benefit concert sa gymnasium ng Lagawe Central School sa  Poblacion South ng nasabing bayan dakong alas-10:20 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, masayang nanonood ng concert ang binatilyo sa kaliwang bahagi ng gymnasium ng biglang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril na sumapul sa ulo nito.

 Nagawa namang maagaw ng mga nanood ng concert  ang  cal. 38 revolver na baril  ng   suspek na inaresto ng taumbayan.

 Ang suspek ay itinurnover sa kustodya ng pulisya upang isailalim sa masusing imbestigasyon.

 Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ETHAN RYO SIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with