^

Police Metro

Magdusa ka,hindi mo kami mabobola!

Joy Cantos - Associated Press

Bato kay Nobleza

 

MANILA, Philippines -  Magdusa ka, hindi mo kami mabobola !

Ayon ito kay PNP chief Director Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa  kasabay nang pagsasabing hindi umano sapat kahit na humingi pa ng tawad si Supt. Maria Cristina Nobleza, lover at protektor ng Abu Sayyaf Group (ASG) bomber na nasakote sa checkpoint sa Clarin , Bohol noong Agosto 22 ng gabi.

Idinagdag  nito na hindi niya kailangan ang ‘sorry ‘ ni Nobleza  dahil hindi nito kayang burahin ang pagtratraydor na ginawa nito sa organisasyon  .

Sinabi ni dela Rosa na hindi siya naniniwala sa palusot ni Nobleza  na ang pagkakasangkot at pakikipag-ibigan umano niya sa Abu Sayyaf bomber na si Reener Lou Dungon ay bahagi ng kaniyang trabaho.

 Sina Nobleza at Dungon ay kapwa nakapiit sa  nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahilan itinuturing ang mga itong mga high risk detainees .

Nabatid na iginigiit ni Nobleza na ginamit lamang umano siya ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) para magtrabaho laban sa mga kalaban ng gobyerno.

 Idinagdag pa nito na sa kasalukuyan ay kuwestiyonable na ang katapatan ni Nobleza matapos itong madiskubreng ‘sleeping with the enemy’ sa pakikipagrelasyon at pagpapakasal sa Abu Sayyaf bomber gayundin sa pagiging protektor ng mga bandido.

Nabatid pa na  ang napaslang na si Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Zulkifli bin Hir alyas Marwan ang nagkasal kina Nobleza at Dungon . Sina Marwan at Dungon ay magbayaw.

Magugunita na si Marwan ay napaslang sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 na ikinasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos.

 Iginiit pa ni Nobleza, ayon kay dela Rosa na nais lamang niyang tulungan si Dongon para maideliver ang gamot kay Saad na kabilang sa 11 Abu Sayyaf sa pangunguna ni Muammar Askali alyas Abu Rahmi na nakasagupa ng security forces matapos na dumaong sa Inabanga, Bohol sa bigong pagtatangka na mangidnap ng mga turista sa lalawigan noong nakalipas na Abril 11. Ang mga bandido ay nalagasan ng 8 tauhan sa engkuwentro sa militar at pulisya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with