^

PM Sports

May patutunayan si Pacquiao

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Para kay Manny Pacquiao, ang pagsagupa kay Australian challenger Jeff Horn ay pagkakataon na niya para ipakita sa buong mundo na hindi pa siya laos.

Sa kanyang press conference kahapon sa Brisbane, Australia ay sinabi ng Filipino world eight-division champion na kaya pa niyang manalo bagama’t abala na bilang Senador.

“I want to defend my crown and prove I am still there in boxing — I am not done yet in boxing,” wika ni Pacquiao. “Despite my business in the office as a senator I am still handling my boxing career.”

Itataya ng 38-anyos na si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) ng kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown kontra sa 29-anyos na si Horn (16-0-1, 11 KOs) sa Hulyo 2 sa 55,000-seater na Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Tiniyak ni Pacquiao na 100 porsiyento siyang nasa kondisyon at walang anumang itinatagong injury hindi kagaya nang nangyari sa kanyang  pagkatalo kay Floyd Mayweather, Jr. noong 2015 kung saan hindi niya ibinunyag na mayroon siyang right shoulder injury.

“It depends on how you discipline yourself, how you train and prepare yourself,” wika ni Pacquiao. “It’s a matter of discipline.”

Umaasa si ‘Pacman’ na lalaban sa kanya nang sabayan si Horn, dating school teacher, na nangakong huhubaran siya ng WBO welterweight belt.

“My message for him is to work hard,’’ wika ni Pacquiao kay Horn. “Make sure you are in 100 percent condition on July 2 so we can give a good fight and entertain the people. I am motivated and here to do my best.’’

Kumpiyansa si Horn, isang Olympic Games campaigner, na mananalo siya kay Pacquiao at hihiranging bagong WBO welterweight king.

Ang nasabing WBO title ay inagaw ni Pacquiao mula kay Mexican Jessie Vargas sa pamamagitan ng isang unanimous decision win noong Nobyembre ng nakaraang taon sa kanyang comeback fight.

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with