^

True Confessions

Damo sa Pilapil (52)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, ibinigay ni Mam Dulce kay Zac ang pasalubong --- isang itim na backpack.

“Napansin ko na marami kang bitbit na libro. Ito magagamit mo para hindi ka mahirapan. Marami kang mailalagay diyan.’’

“Salamat po Mam. Na­dagdagan na na­man­­ ang utang ko.’’ “O narinig ko na naman ‘yan. Basta mag-aral kang mabuti. At kung mayroon ka pang kaila­ngan, sabihin mo lang.’’

“Salamat po uli.’’

“Okey ba ang cell phone na pinadala ko sa parents mo? Nakakapag-usap ba kayo nang regular?’’

“Opo. Kahapon po ay matagal ang pag-uusap na­min nina Itay at Inay. Sa­lamat daw nga po uli sa mga tulong mo Mam.’’

“Sabihin mong walang anu­man. Masaya ako kapag nakakatulong.’’

“Siyanga po pala Mam, hindi po ba sumakit ang ulo mo kagabi?’’

“Aba hindi! Akala ko nga pagbangon kanina ay sasakit, hindi pala. Mabuti na lang at hindi nag-trigger ang nadama kong pagod kahapon dahil sa pagkasira ng SUV. Sobrang pagod ko kahapon kaya nga ayaw ko nang mag-drive. Nagsasawa na ako.’’

“E kailan po ako mag-eenrol sa driving school Mam para ako na ang magda-drive sa iyo.’’ “A oo. Next week. Pero ipagda-drive mo lang ako kapag mayroon akong pupuntahang conference. Para naman hindi apektado ang work mo. Sasabihin ko sa’yo kung kailan mo ako ihahatid at susunduin sa airport.’’

“Sige po Mam. Basta ma­dali lang po akong ma­tu­tutong mag-drive.’’ “Oo nga, nakikita ko na madali kang matuto.’’

MAKALIPAS pa ang ilang linggo, si Zac na ang nagda-drive ng sasakyan.

“Ang dali mong matuto. Hanga na talaga ako sa’yo.’’

“Kapag may interes kang matuto, madali lang po talaga.’’

“You’re right! Ganyan nga. Kailangan may interes ka.”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

DAMO SA PILAPIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with