^

Police Metro

Col. Dumlao atbp kinasuhan na ng DOJ sa kidnap/slay sa Korean trader

Doris Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kinasuhan na ng Department of Justice ang mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Korean trader na si Jee Ick Joo matapos na amyendahan ang kasong inihain  sa Angeles City Regional Trial Court Branch 58.

Batay sa resolusyon ng DOJ na may petsang April 6,2017 nadagdagan ang mga personalidad na akusado sa kasong kidnapping for ransom with homicide na sina Supt. Rafael Dumlao at Jerry Omlang bilang mga principal sa krimen at Gerardo Ding Santiago bilang accessory.

Nananatili namang akusado sa special complex crime na kidnapping for ransom with homicide sina SPO3 Ricky Sta. Isabel at SPO4 Roy Villegas makaraang pagtibayin ng DOJ ang nauna nitong resolusyon noong Enero.

Inabswelto naman ng DOJ sa kasong kidnapping for ransom with homicide ang dating akusado na si Ramon Yalung.

Ipinagharap din ng kasong paglabag sa anti-carnapping law at kidnapping with serious illegal detention sina SPO3 Sta Isabel, Supt. Dumlao, Omlang at SPO4 Villegas dahil sa pagtangay sa Ford Explorer na sasakyan ni Jee.

Naihain na kahapon sa Angeles Regional Trial Court ang amended informations na naglalaman ng resulta ng reinvestigation sa kaso ni Jee.

Una nang itinakda ng Angeles RTC ang pagbasa ng sakdal sa mga akusado ngayon (April 19, 2017).

Matatandaan na si Jee Ick Joo ay sapilitang tinangay sa kanyang bahay sa Angeles City noong October 18, 2016 at sa kaparehong araw ay dinala at pinatay sa loob ng Camp Crame.

Ang kanyang bangkay ay dinala sa isang funeral home sa Caloocan City at saka sinunog.Ang kanyang mga abo ay itinapon pa sa inidoro.  

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with